Vice Ganda, naintindihan daw ang pag-snub ni Kris Aquino sa kanyang movie

ADVERTISING

Vice Ganda, naintindihan daw ang pag-snub ni Kris Aquino sa kanyang movie

Vice Ganda
Vice Ganda

Ayon sa paglilinaw ni Vice Ganda, hindi sumama ang kanyang loob kay Kris Aquino kahit pa una nitong pinanood ang Enteng Kabisote 10 kesa sa kanyang pelikulang The  Super Parental Guardians.

ADVERTISING

“Alam mo nu’ng nangyari ‘yun,” simula ni Vice sa kanyang thanksgiving dinner last Monday night, “after nilang lumabas (ni Maine Mendoza), nag-text siya sa akin, kasi nga, mayroon nga kaming movie date.  Eh, tumatawag siya, hindi ko siya nasasagot. Tapos, nagte-text siya, hindi ko rin siya nasagot right away.

“Tapos sabi niya, ‘you’re ignoring me,’ tapos sabi ko, ‘no, asawa, ang dami lang ganap, kasi ngaragan.’ Sabi ko, ‘sorry, hindi kita nasagot agad.’ Tapos sabi niya, ‘if you don’t want to see us du’n sa date natin, I would understand,’ sabi niyang ganu’n.

“Sabi ko, ‘ay asawa, wala tayong ganu’n, ‘no! Hindi ganu’n ang relasyon natin, ‘no! Hindi naman tayo nagsisimula at natatapos sa trabaho. Hindi tayo ganu’n,” paglilinaw ni Vice sa isyu.

ADVERTISING

Ipinagdiinan din ni Vice na iba ang love nila ni Kris sa isa’t isa kaya hindi ito basta-basta maapektuhan ng kahit anong isyu.

“Iba ang samahan namin kasi ni Kris. Iba ang love namin,” giit pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING