Vice Ganda, nagtangkang magpakamatay nang ma-depress

Vice Ganda, nagtangkang magpakamatay nang ma-depress

2 Vice-GandaIPINAGTAPAT NI Vice Ganda sa kanyang TV show na It’s Showtime na nagtangka siyang magpakamatay when he was 19 years old.

Habang hawak niya ang tinanggap na trophy na Phenomenal Box- Office Star na ipingkaloob sa kanya ng GMMFI naikuwento niya, “Mayroon lang akong gustong i-share. Mabilisan lang. Kagabi kasi nu’ng nakahiga ako, sabi ko, ang taray, kasi apat na taong sunud-sunod, ako ‘yung binibigyan ng phenomenal box-office award. I am just so blessed. Bigla akong flumashback.

“Kasi doon sa nakaaalam sa istorya ng buhay ko, ‘yung mga nakanood ng MMK ko dati, na-realize ko lang, kasi nu’ng 19 years old ako, nag-attempt akong mag-suicide sa sobrang depression. Uminon ako nang kung anu-anong gamot. Muntik akong mamatay. Nagising na lang ako, nasa ospital na ako. Kasi ‘yun naman talaga ang intention ko, magpakamatay. Dati,” kuwento ni Vice

Kung nagkataon daw palang natuloy ‘yun, ‘di sana niya na-achieve ang lahat ng karangalan natatanggap niya ngayon.

“Kaya sabi ko, I am just so blessed na hinarang ng Diyos ‘yung pangit kong trip noong panahon na iyon dahil kung hindi, hindi ko na-experience lahat ng napakagandang bagay sa mundo na nararanasan ko ngayon,” say pa ni Vice.

Kaya sana raw, maka-inspire ang karanasan niyang iyon, lalo na sa mga kabataan na may mga pinagdaraanan o depression.

“Sa lahat ng mga batang may pinagdaraanan katulad ng pinagdaanan ko noon. Sana kung anuman ang pangit na binabalak ninyo ngayon, hang on. Hawak lang, kapit lang. Your situation today is not your final destination,” payo ni Vice Ganda.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo