Vice Ganda, nagsimula nang mag-taping para sa serye ni Coco Martin

ADVERTISING

Vice Ganda, nagsimula nang mag-taping para sa serye ni Coco Martin

Vice Ganda & Coco Martin
Vice Ganda & Coco Martin

Dahil sa maganda ang feedback ng manonood sa “FPJ’s Ang Probinsiyano”, hindi kataka-taka na mas masigasig ang Dreamscape Entertainment na paigihin ang top-rater nilang show na very consistent pa rin at hindi natitinag sa rating games.

May pagtatangka mang ungusan ng palabas sa kalabang network, consistent na mula Lunes hanggang last night (Thursday, July 21), nangunguna pa rin sa rating games ang palabas ni Coco Martin.

No doubt na siya na nga ang matatawag na “Hari ng Telebisyon” lalo pa’t ang kalabang show na nagtatangkang agawin ang trono sa labanan ng rating ay hindi pa rin makangungos at makaisa.

Kaya naman tulad ng pangako ng show na pagandahin nila ang kanilang aksyon serye, bilang bida ng palabas, nabigyan ng karapatan din ang aktor na mag-contribute ng kanyang ideas at suhestiyon para sa ikakaganda ng kanilang nightly series.

ADVERTISING

Ang pagge-guest ng nagbabalik na si Cesar Montano ay malaking katuwaan para kay Coco lalo pa’t isa sa mga hinahangaan niyang action star si Buboy.

Ang latest, sigurado akong matutuwa ang mga fans ni Vice Ganda na matagal na ring nangangarap na mapabilang sa mga guests ng “Ang Probinsiyano”, dahil ngayong araw (Friday, July 22) ay nagsimula nang mag-taping ang Unkaboggable Box-Office Star para sa kahilingan ng publiko na maging bahagi ng aksyon-serye.

As of this writing, ang alam ko ay ipapasok na ang karakter ni Vice Ganda sa “Ang Probinsiyano” mamaya.

Pero sa latest na balita na nakarating sa amin, tuloy na tuloy na ang muling pagtatambal nina Vice at Coco Martin para sa MMFF 2016, kung saan sina Onyok at Makmak ay kabilang sa pelikula ng dalawa.

Bukod pala sa “Gandang Gabi Vice”, may bagong reality show si VG para sa Kapamilya Network, kung saan ang mga contestants ay mga bagets na gustong maging part ng isang pop group na tipong One Directions. Abangan!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING