Vice Ganda, nagkasakit sa sobrang lagare

ADVERTISING

Vice Ganda, nagkasakit sa sobrang lagare

Vice-GandaAliw na aliw kami sa trailer ng Metro Manila Film Festival movie nina Vice Ganda at Coco Martin, ang Beauty and the Bestie.

Sa trailer pa lang ay nakatatawa na, how much more pa kaya sa buong movie? Ang maganda sa pelikulang ito, fresh ang mga jokes, walang kinuha sa kung sino. Nakatatawa ang palitan ng laitan nina Vice at ng dalawang komedyanteng baklita sa isang eksena.

Nakatutuwa rin ang simpleng pananaray ni Coco kay Vice nang sabihin niya ito sa komedyante: “Tibok ng puso ng isang baklang manyakis.” Tawa kami nang tawa roon sa eksenang iyon.

Puspusan na ang shooting ni Vice ng MMFF movie niya. Nagkasakit na nga siya dahil sa sobrang lagare siya sa movie at sa dalawang shows niya sa Dos.

ADVERTISING

“dami tumawa nito s loob ng sinehan teaser p lng”

“Tawa ako ng tawa. Hahaha. Garbe Trailer palang yan ah. Im sure Mas Maganda pag mismong Movie naaaa”

“HAHAHA!! dami kong tawa sa I.D picture ng JaDine at yung Tibok ng puso, ng isang baklang manyakis…laughtrip tlaga.”

“Nakita ko ung trailer na pambato ng kabila! Walang wala sila sa trailer ng beauty and the beastie.. trailer pa lng yan haa.”

Ilan lang ‘yan sa nabasa naming comments sa trailer ng movie nina Vice at Coco.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING