Vice Ganda, nagiging monster na?!

SA KANYANG fa-vorite destination, sa Santorini sa Greece, nagpalipas ng Mahal na Araw si Mo Twister.

Twice na siyang nag-stay sa lugar na iyon which brings back bad memories dahil kung noong una he was with his popular and controversial girlfriend, now he is by his lonesome.

Anyway, ang nakakatawa kay Mo ay itsinika niyang nawala noong una ang luggage niya. He was advised nga by a follower na baliktarin na lang niya ang kanyang brief dahil wala siyang maipalit kasi nga nawala ang luggage niya. Sabi ni Mo, ginawa na niya ito, nag-side B na nga raw siya, sign na desperate measure na niya ito.

Pero nakuha na rin niya ang nawawalang luggage at tuwang-tuwa naman ang mokong.

Sabi ni Mo, natawa siya dahil na-interview siya ng isang Japanese network para kunin ang kanyang message about the financial crisis sa Greece.

MUKHANG HINDI na magiging maganda ang takbo ng career ni Vice Ganda.

Aba, sari-saring negative feedback na ang naririnig namin sa kanya. Mas malala ang huli naming nabalitaan na nag-resign na ang director ng It’s Showtime na si Bobet Vidanes dahil sa kanya.

Nagiging sobrang pasaway na raw si Vice. Lumaki na nang husto ang ulo nito at pumasok siguro sa kanyang mind na he can get away with practically anything and everything he does.

What Vice probably doesn’t know is that may katapusan ang kasikatan, may sunset sa bawat sunrise and he has to realize that not everyone working with him is happy.

Nasa bakasyon yata ngayon si Vice. Tingnan natin ang kanyang magiging reaction sa pagbibitiw ng director niya sa show.

May nabalitaan pa kaming sa isang show niya sa isang malayong probinsiya ay sumakit ang ulo ng producer dahil sa kanyang mga demands.

Has Vice become a monster? We think so!

BLIND ITEM: Marami palang kuwento ang isang bayan sa bandang South. Marami kasing celebrity ang nagtutungo roon kapag Mahal na Araw.

Ang isang actor, karay ang ka-live-in niyang hindi man artista ay may connect naman sa celebrities. Kapag naroroon sila, ang gusto ng actor ay walang ilaw sa gabi. Ta-nging kandila lang ang nagbibigay-liwanag sa kanilang tinutuluyang rest house. Ayaw yata nitong makilala siya ng mga tao roon at baka nga naman makiusyoso sila. Tago rin kasi noon ang relasyon niya sa kanyang dyowang may kamukhang sexy actress noon.

Ang isa namang aktres, ang tagal ding tumira sa lugar na iyon. Nang mawalan ng datung dahil sa kabibisyo ng dyowa niyang singer, imbes na sa resthouse ay sa isang bahay-kubo na lang ito nag-rent.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleCharice Pempengco at Jessica Sanchez, Pinagsasabong ng mga Kapwa-Pinoy!
Next articleBangs Garcia bounces back!

No posts to display