Vice Ganda, nagamit na ang pangalan, lumabas pang nega!

ADVERTISING

 Vice Ganda, nagamit na ang pangalan, lumabas pang nega! MAY PAGKAGALANTE PALA itong si Marian Rivera. Sa sobrang tuwa ng isang lalaking nagtatrabaho sa isang sikat na department store ay pinost niya ang kabaitan ng aktres nang bigyan siya nito ng napakalaking tip.

Ito ang post ni Rodel F. (FB) na nakuha namin sa isang Twitter account recently:

ADVERTISING

“Grabe ang bait talaga ni Ma’am Marian Rivera!!!! ang laki ng binigay na T.I.P., hinatid ko lang dun sa car niya yung mga Rustans gifts nia…….automatic na kagad si Marimar ,isang abot,isang sukbit sa bulsa!! PARANG halos ISANG CUT OFF KO NA YUNG BINIGAY NI Miss Marian!!”

This explains siguro why Marian is so blessed. Ang dami niyang work sa telebisyon at maging TV commercial. So, marunong naman palang mag-share ng kanyang blessings si Marianita, kaya naman siya ay pinagpapala.

Actually, may nabasa pa kaming post ng isang nagmamagandang hater ni Marian na nagke-claim na nakasabay niya sa pila sa isang grocery si Marian. Sabi ng nag-post ng message sa isang website, supladita raw si Marian at hindi namamansin ng mga saleslady.

ADVERTISING

Ang nakakatawa sa hater ni Marian, parang minaliit niya ang aktres. Sabi kasi niya, bakit daw ganoon kung makaarte ang aktres gayong Minola at Bear Brand lang naman ang ilan sa pinamili nito at hindi naman mga imported items.

Nakakaloka ang hater na ito ni Marian. Parang wala siyang tiwala sa Pinoy products. Parang hindi siya Pilipino.

Wala kaming nakikitang masama kung local brands ang tinatangkilik ni Marian. Hindi naman ‘yon krimen. Magandang example pa nga ‘yon, kasi, kaya naman niyang bumili ng imported products pero she chooses local products over the more expensive ones.

MEDYO NAGTAMPO PALA si Mommy Elvie sa kanyang anak na si Ariel Villasanta ng Ariel & Maverick. She was the last one kasi to know sa pagpapakasal ni Ariel kay Cristina Decena. Nalaman na lang niya na kasal na ang dalawa, ni hindi man lang daw nagbigay ng hint ang kanyang anak na magpapakasal na ito sa businesswoman.

Napawi na lang ang tampo ng madir ni Ariel dahil ipinagprodyus ito ng mag-asawa ng show, ang Mommy Elvie @ 18 kung saan bibigyang katuparan ang 18 wishes ni Mommy Elvie. Bagama’t 81 na, parang debut na rin ito ni Mommy Elvie sa TV 11 at may 18 wishes siya, kaya ginawang ganoon ang title ng reality TV show niya.

BADTRIP SI VICE Ganda dahil nagamit ang pangalan niya sa concert sa FEU. Marami pala ang umasa na makikita siya, kaya naman na-disappoint sila nang malamang hindi aapir ang Showtime host.

Ang kaso, wala pala talagang kaalam-alam si Vice na may raket daw siya sa nasabing school, kaya naman nagpaliwanag siya sa Twitter para malaman ng mga organizer na wala siyang natatanggap na booking tungkol sa concert sa FEU.

“I was not invited to grace the FEU event tonight. Ewan ko kung sino ang nanloko ng mga estudyante at nagkalat na dadating ako. Di ko nga alam na may concert so pano ko pupunta. I felt bad dahil may mga umasa,” tweet ni Vice.

Ang hindi pa ma-take ng komedyante, parang nagbigay pa ng rason ang host ng concert kung bakit siya hindi makakarating.

“Can anyone pls tweet me kung sino ang organizer ng FEU concert kanina at kung ano ang name nung host na nagsabi “daw” na kaya hindi ako nakapunta ay dahil malakas ang ulan. Please!!!!” tweet uli ni Vice na halatang naimbiyerna sa nangyari.

Ganyan usually ang problema ng isang sikat na personality katulad ni Vice. Madalas na naga-gamit sa kahit na anong okasyon. Tapos lalabas pa na sila ang masama.

 Vice Ganda, nagamit na ang pangalan, lumabas pang nega!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING