Vice Ganda, nag-enjoy sa birthday surprise ng mga kaibigan

Vice Ganda happy on his birthday paandar
Vice Ganda happy on his birthday paandar
Vice Ganda with good friends designer Paul Cabral and Bernard Cloma
Vice Ganda with good friends designer Paul Cabral and Bernard Cloma
Vice Ganda a.k.a. Ang Munting Prinsesa with friends on his birthday surprise
Vice Ganda a.k.a. Ang Munting Prinsesa with friends on his birthday surprise
Vice Ganda while watching his birthday greetings from friends from Kapamilya Network
Vice Ganda while watching his birthday greetings from friends from Kapamilya Network

Habang walang kamalay-malay si Vice Ganda, may paandar na palang pinaplano ang mga kasama niya sa kanyang California Holiday.

Noong hapon pa lang (kanina, West Coast Time), ang ilan sa mga kasamahan niya sa Team Vice ay lumarga na papuntang Castro Gay District sa San Francisco, California para bumili ng mga birthday balloons at mga decors para sa surprise birthday party para sa “Unkabogable Box-Office Star”.

Walang kamalay-malay si Vice Ganda na ang mga kasamahan pala niya ay may gagawing sorpresa para sa pagsalubong ng kanyang kaarawan.

Based sa mga photos na makikita n’yo, happy si Vice sa birthday sopresa na ibinigay sa kanya (kahit zero ang lovelife niya?) dahil makikita sa mga photos ang mga ngiti sa mga labi ng komedyante.

Yes, nae-enjoy pa rin niya ang mga ganitong klaseng paandar tulad ng children’s party na konsepto para sa kanyang kaarawan.

Sa April 2 nakatakdang bumalik si Vice mula sa kanyang almost two weeks vacation sa California.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articlePamilya ni James Reid, botong-boto kay Nadine Lustre
Next articleAngel Locsin, nagmistulang acting coach ni Rep. Neri Colmenares

No posts to display