Vice Ganda, muntikan nang magkadiperensiya sa mga mata

ADVERTISING

Vice Ganda, muntikan nang magkadiperensiya sa mga mata

Sa sobrang pagod ng komedyanteng si Vice Ganda, nakatulog ang box-office star nang hindi natanggal ang suot na contact lens.

Vice Ganda, muntikan nang magkadiperensiya sa mga mata
Vice Ganda

Kaya last Saturday, pagkagising niya, namula ang kanyang mga mata na kailangang alisin ang napunit na contact lens na suot niya the previous night.

Bago pumasok sa “It’s Showtime” last Saturday, dumiretso na si Vice sa St. Luke’s Medical Center para patingnan ang mga mata.

Mabuti na lang, hindi malaki ang damage na nalikha sa kanyang mga mata. Pero pumasok pa rin siya sa kanyang daily noontime show na hindi na muna ininda ang sakit ng namumulang mga mata.

ADVERTISING

Ngayon pa lang, ngaragan ang schedule ni Vice, lalo pa’t malapit na ang kanyang Valentine show na gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa mismong Araw ng mga Puso.

Ayon sa kanyang personal assistant na si Jan Bariuad, halos araw-araw ang trabaho ni Vice pagkatapos ng kanyang hosting job sa noontime show.

“Abala siya sa pagsusulat ng script ng concert niya. My rehearsal pa ‘yan,” mensahe ni Jan sa amin sa text.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING