Vice Ganda, muntik nang ikamatay ang stunt sa pelikula

ADVERTISING

Vice Ganda, muntik nang ikamatay ang stunt sa pelikula


Vice-Ganda
Feeling nya, siya si Dante Varona o si Baldo Maro. Pakiwari niya’y puwede siyang mapabilang sa kanila. Kaloka ka, Vice Ganda. Muntik mo nang ikinamatay ang buwis-buhay mong eksena sa MMFF 2015 entry ng Star Cinema na “Beauty and The Bestie”.

Ayaw kasi ni Vice Ganda na magpa-double sa helicopter scene, kung saan ang tali sa upper torso niya ay muntik nang bumigay dahil sa bigat ng katawan niya, na ang mga kamay lang niya ang nakakapit sa rail ng helicopter. Buti na lang nahawakan ni Coco Martin at ng cameraman ang braso niya at naiangat ang katawan sa muntik na pagkahulog sa gitna ng dagat.

Loka ka. Hindi ka stuntman. Hayaan mo na sa mga double mo ang mga gayong eksena at hindi ka naman action star. Ang balwarte mo ay magpatawa para bigyan ng saya, at higit sa lahat ng halakhak, ang mga taong trip matawa sa ginagawa mo. ‘Wag nang maulit na magtangka sa mga susunod mong pelikula.

Pero si Vice, iba ang gusto. Ngayong Pasko, gusto niyang ibigay nang todo. “Sa sobrang mahal ngayon ng presyo ng ticket para makapanood ka ng pelikula, gusto ko namang ibigay ang worth na ibinayad ng tao,” sabi niya.

ADVERTISING

Dapat hinayaan mo kay Coco ang gayong mga eksena. Aura to the max ka na lang at solb ‘yun sa akin. Don’t worry at pasok na ang pelikula n’yo ni Coco sa Top 3 movies na panonoorin ko sa MMFF. Sa full trailer Laugh trip ako sa bakla. Fashion na fashion ang hitad sa mga outfit niya. Type ko ang super kinky fushia hair niya sa eksena nila ni Coco.

Sa totoong lang, mahirap akong patawanin o pangitiin ng mga locally-produced movies, pero itong sa inyo ni Coco, hindi mo ipagpapalit sa Big Mac, Large Fries at Coke Float.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING