Vice Ganda, may pera at sikat, pero ‘di makuha lahat

ADVERTISING

Vice Ganda, may pera at sikat, pero ‘di makuha lahat

Vice-GandaSA TOTOO lang naaawa ako sa buhay ni Vice Ganda. Oo nga’t may pera siya at sikat at kahit idaan man niya sa biro ang mga lalaking gusto niya, may mga pagkakataon na hindi pupuwede tulad sa last relationship. Dahil sa proteksyon na gusto niyang ibigay sa lalaking mahal niya, nagtitiyaga siya na hindi sila lumalabas in public na kadalasan ay sa bahay lang sila. Kung may pagkakataon na magkasama man sila in pubic, ito’y sa ibang bansa na iilan lang ang nakakikilala sa kanilang dalawa.

Akala ko nga, romance made in heaven ang pag-ibig ni Vice at ni TR na hindi man pinangalanan ng komedyante, ang baksetbolistang si Terrence Romeo naman ang unang pumiyok nang masukol sa isang interview ng isang sports blog na kung pagdudugtungin, si Terrence at si Vice ang tinutukoy.

Sa huling interview kay Vice, kahit nagtatapang-tapangan, halata mo na apektado ang komedyante. May kuha nga kay Vice na napaluha na kulang na lang ay pumatak ang luha ng kalungkutan sa nangyari sa kanyang buhay pag-ibig.

Ok at tapos na ang relasyon ng dalawa (aminin man nila o hindi), pero mas naging malaking usapan para mag-react ang LGBT community sa tinuran ng ama ni Terrence na si William Romeo na maging ang respetadong TV host at LGBT rights advocate na si Boy Abunda ay nag-react sa tinuran ng ama.

ADVERTISING

Offending sa gay community ang sinabi ng ama ni Terrence na: “Si Terrence talagang tinuturuan ko ’yan ng katuturan… Pinaiiwas ko siya sa mga bagay na hindi mabuti.”

Na ang reaksyon naman ni Kuya Boy: “If that (quote) was a reference to gays, kayo po’y nagkakamali dahil… hindi po equivalent ang hindi mabuti sa pagiging bakla dahil that’s unfair. Nakakasakit po ‘yan sa amin. Ang sakit pakinggan.”

May pahayag si Terrence na sana matapos na ang isyu. “Sana matapos na ’yung isyu na ’yan, dahil paulit-ulit lang naman na hindi katotohanan! Isang multo ‘yan ng imahe ko na gusto ko nang mabura totally.”

Ang gay community nag-react. Sinulat nga ng kaibigang Jobert Sucaldito sa kanyang Facebook account: “very condescending nga ang mag-amang Romeo. After nilang makinabang – hay, mahirap na lang magsalita. Ask nga si Romeo if he knows someone named Tito Caloy. Mukhang may alam din ito kay Terrence. Anong “multo ng buhay” niya ang pagka-link niya sa bading? Ano siya, God’s gift from heaven? Gosh! He should be gifted muna bago siya magmalaki, ‘di ba? – Hahaha! He can always deny any extra friendship with anyone pero para hamakin nilang mag-ama ang kabadingan – wait lang ha! Mag-reality check muna kayo bago kayo magtaray. Our other friend na na-link din kay Terrence ay si Nap Gutierrez – sources say – and I’m sure they will also deny this. Sabi nga sa inyo eh – that denying is not a big crime and we will understand naman kung magdi-deny sila pero manahimik!!!!!! Huwag hamakin ang kabadingan dahil napakinabangan n’yo naman sila minsan sa buhay n’yo, ‘di ba?”

Kami man personally, hindi ko gusto ang tinuran ng mag-ama. Kung hamakin nila ang mga bading, akala mo makasalanan at masama.

Sa pagkakaalam ko, hardcore “Born Again Christian” si William Romeo. Ewan ko lang kung si Terrence ay renewed Christian na rin, pero ang nakaraan niya ay hind ‘yun mabubura at mababago.

Basta ako, unfair ‘yong ginawa ng mag-ama kay Vice.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING