Vice Ganda, may matinding kaaway?

ADVERTISING

Vice Ganda, may matinding kaaway?

Vice-GandaSOMEONE, IT seems, is out to destroy Vice Ganda. We’re saying this because may kumakalat na video post sa Facebook titled “VICE GANDA SINABIHANG LAOS AT INUTIL si VIC SOTTO on AIR!”.

When we tried to open it, hindi naman ‘yon nagbukas kaya malinaw na paninira lang ‘yon sa phenomenal box office star.

In the first place, bakit naman lalaitin ni Vice si Vic? And you think magpapakuha pa siya ng video habang nilalait niya si Vic? Ang tanga naman ng gumawa ng video na ‘yon, ‘no kasi salat sa katotohanan.

Even Vice’s loyal fans ay hindi naniwala sa video.

ADVERTISING

“Hindi sasabihin ni vice yan idol nga nya c vic sotto imposible lakas makasira nito,” say ng isang guy.

“Scam yan ate,” sabi naman ng isa pa.

“Hindi yan totoo.. hahahha,” paniwala naman ng isang fan ni Vice.

Da who kaya ang nagpakalat ng video? Ano ang matindi niyang galit kay Vice?

 

THIS HAS-BEEN writer got it all wrong when he said na si Kris Aquino ang tumanggi na makasama si Derek Ramsay sa isang movie.

Todo-tanggol ang hitad kay Kris at todo-lait naman sa writers na nagsusulat ng nega about the Queen of Talk. Ayun, nag-boomerang tuloy sa kanya ang katangahan niya.

Actually, he was right when he wrote na si Kris ang pinakamagaling na TV host, that she’s the number one celebrity endorser, that she’s a box office star.

Pero ‘yung sabihing tinanggihan niya ang movie with Derek ay isang malaking KATANGAHAN. It was Kris pa nga who posted photos of their storycon tapos sasabihin niyang tinanggihan ni Kris si Derek. What kind of stupidity is that?

Actually, hindi pinayagan si Kris ni Cory Vidanes na gawin ang movie with Derek.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING