Vice Ganda, may iba nang manager!

ADVERTISING

Vice Ganda, may iba nang manager!

Vice Ganda, may iba nang manager!LUMABAS ANG BALITANG hindi na kami ang manager ni Vice Ganda at ABS-CBN na ang magha-handle sa kanya. Nu’ng una’y hindi namin ito sinasagot, dahil hindi nga namin alam ang isasagot.

But finally, nakapag-usap na kami ni Vice nu’ng Tuesday afternoon sa opisina ni Ms. Cory Vidanes at napagdesisyunan naming pareho na siya ay ima-manage na ng ABS-CBN at ang Business Unit Head na si Deo Endrinal ang siyang mangangalaga ng kanyang career for the network.

Kaya sa mga mag-i-inquire ng serbisyo ni Vice Ganda, tawag na lang kayo sa ABS-CBN at direkta nang makipag-ugnayan doon.

At this point, gusto naming pasalamatan ang Channel Head na si Tita Cory Vidanes na pumagitna sa amin ni Vice para marinig ang magkabilang panig at mag-come up sa isang desisyon.

ADVERTISING

Samantala, kami ay may sisimulang teleserye next week, at ito ang na-miss talaga naming gawin, dahil ang huling teleseryeng ginawa namin ay Mutya na natapos nu’ng May.

 

ANG TARAY NG first episode ng Ikaw Ay Pag-Ibig dahil nakakuha ito ng ratings na 32% at ang nakakalokah pa, pati si Budoy ay naka-32% din. Ito ‘yung may episode ender na sinabi na ni Janice de Belen kay Zsa Zsa Padilla na anak nito si Budoy.

‘Yan din ang dahilan kumbakit na-miss namin nang bongga ang paggawa ng teleserye, dahil ang syugal-syugal na naming hindi umaarte. Kaya abangan n’yo ‘yan. As if naman, me hukbo kami ng tagahanga, hahaha! Nag-iilusyon lang, hayaan n’yo na.

BLIND ITEM: NA-SHOCK ang isang aktor nu’ng nagtungo ito sa isang condo building para bentahan ng kanyang produkto ang isang mayamang bading. Nagkasalubong sila sa lobby ng building ng isang dating sexy actor na ngayon ay tsumabi na.

Nagkagulatan sila, “Uy, dito ka ba?” “Ay, hindi, nakitulog lang ako sa isang friend, kasi, napuyat ako sa shooting, eh. Sige, ha?”

May idea na ang medyo may-edad nang aktor, dahil kilala niya ang dating sexy actor. Parang ‘yung pupuntahan niyang condo unit at ‘yung pinanggalingan ng aktor ay iisa lang.

Eh, that time, may kasamang kaibigan ang may-edad nang aktor sa pag-e-explain ng kanilang produkto sa mayamang bading. “Pare, ba’t gano’n na lang ang tingin mo du’n kay ____, ha?”

“Wala, pare. Basta ako, I’ve been there!” ‘Yun na lang ang sabi ng may-edad nang aktor.

‘Wag na nating bigyan ng clue ang mayamang bading, dahil ‘pag nalaman n’yo kung sino si May-Edad nang Aktor at si Dating Sexy Actor eh, malalaman n’yo na kung sino ang bading.

Nako, ano’ng araw kaya sila nagkita sa lobby?

Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday o Sunday?

Makakain nga sa Jollibee.

 

Paki-like po ang aming teleradyo online, ang www.facebook.com/vibestayo at sundan n’yo po kami sa twitter (@ogiediaz), ha?  

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING