Vice Ganda, mawawala sa It’s Showtime

ADVERTISING

Vice Ganda, mawawala sa It’s Showtime

Vice-GandaNAGING EMOTIONAL si Vice Ganda noong Saturday as reported by a Facebook fan page account.

Nagpaalam daw si Vice Ganda na hindi muna siya makasisipot sa live airing ng show. Kinakailangan daw niyang magpahinga muna sa trabaho.

“I will never fake a smile, I will never fake a laugh, hindi ko po kayo lolokohin. Bibigay ko sa inyo ang puso ko, makikita ninyo ang kaluluwa ko,” say ni Vice Ganda sa show.

May kumakalat na actually sa social media na nagpaalam na si Vice Ganda sa pamunuan ng Dos para makapagbakasyon. Pinayagan naman daw siya ng executives.

ADVERTISING

Ang chika, kailangang magpahinga ni Vice Ganda sa kanyang mga trabaho dahil overwork na nga naman siya. Araw-araw ay kayod-kabayo siya.

Ang tanong ngayon, ma-sustain pa kaya ng It’s Showtime ang mataas nilang rating ngayong magpapahinga na muna si Vice Ganda?

Ano kaya ang sakit ni Vice na kinakailangan niyang magpahinga nang mahaba-haba?

Anyway, marami tiyak ang makami-miss sa kanya dahil ang It’s Showtime ay kanyang pinaghaharian. Siya ang nagdadala ng show at wala nang iba pa.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING