Vice Ganda, matsutsugi na ang show?!

ADVERTISING

Vice Ganda, matsutsugi na ang show?!

Vice Ganda, matsutsugi na ang show?!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng nag-iisang chikadora, dahil maloloka ka talaga sa Earth!

Naku, pansin na pansin ko ang ichini-chikka ko ngayon ay baka maging newsmaker of the year, dahil nu’ng nakaraang taon, hindi ko tinantanan sa pasabog si Manny Pacquiao.

Ngayon naman, hindi ko naman iniintriga ito, kundi totoo naman lahat ng sinasabi ko. Ayon sa aking source, ito palang si Vice Ganda, hanggang January 22 na lang daw ang kanyang Gandang Gabi, Vice at papalitan lang naman pala ng title at mukhang magre-reformat ang show. Hindi na raw masyadong magdyo-joke si Vice Ganda at more on singing na lang. Bakit naman kaya ganu’n ang eksena?

May tanong ako. Nakaapekto kaya ang mga joke niya sa pagkamatay ng kanyang lola na talagang almost 99.9% na mga lola ay mukhang ayaw na sa kanya at gusto talagang matsugi ang show niya dahil sa mga joke nga niya na hindi naman talaga niya pinag-iisipan, ‘di ba?

ADVERTISING

Kaya kung ako sa kanya, ilang beses ko nang isinusulat dito, mag-isip-isip naman kung gusto mo pang tuma- gal sa showbiz industry! Pak!

 

AT HETO pa ang isang chikka na nakakawindang na talaga nanamg tinatanong ko lang sa sarili ko, kung ano kaya ang gustong palabasin ni Janelle Manahan?

Napansin ko lang, nu’ng unang case kasi sa pagkamatay ni Ramgen Revilla, mukhang hindi siya napansin ng mga tao roon. Ngayon naman sa sex scandal niya, bati-batikos ang pagpapa-interview. Naloloka lang talaga ako.

Ano ba talaga ang ipinupunto niya? Gusto ba niyang mapag-usapan talaga siya dahil gusto niyang bumalik ulit sa showbiz?

Nakakawindang ang mga eksenang nangyayari ngayon kay Janelle. Kung ako kay Janelle, ipagdarasal ko na lang ang lahat ng nangyayari ngayon, kesa naman maging mapagulo ang buhay niya ‘pag nagpapa-interview siya. Hindi kasi matapus-tapos ang story, lalong humahaba ang mga eksena. True?!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong madir as in mother ng isang sikat na singer na talagang nakilala nang bonggang-bongga, ‘te?!

Akalain mo, nagpa-show raw si Madir. At take note, kumuha ng mga host na talagang kilala. Akala raw ng mga host, madatung spluk si Madir dahil todo pasikat.

Ang nakakaloka rito, nang matapos ang show, gumora na sila kay madir para kunin ang talent fee. Take note, kulang na nga ang ibiniyad ni Madir, siya pa ang galit.

Naku, nakakaloka naman, ‘te! Hahaha! Ayaw ng pyramid ng ganyan…

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING