Vice Ganda, mas piniling magbahay-bahayan kaysa mag-hotel sa kanyang California Holiday

ADVERTISING

Vice Ganda, mas piniling magbahay-bahayan kaysa mag-hotel sa kanyang California Holiday

Vice Ganda, mas piniling magbahay-bahayan kaysa mag-hotel sa kanyang California HolidayAs of this writing, nasa san Francisco, California na si Vice Ganda kasama ang kanyang Team Vice.

Imbes na bumiyahe by flight, mas ginusto ng “Unkabogable Star” na mag-long drive sila para mas lalo niyang ma-enjoy ang kanyang California Holiday.

‘Di nga ng ba’t imbes na tumira sa hotel sa Los Angeles, mas na-enjoy ni Vice Ganda tumira sa haybols ng kaibigan niya. “Sa L.A., nagluto siya ng tinolang manok. Sa hotel kasi hindi mo magagawa ang ganito,” pagbabalita sa amin ni Jan Bariuad na personal assistant ng komedyante.

Bukod sa paglalakwatsa at pagsi-shopping  sa Rodeo Drive at paglalamiyerda sa Disneyland, along the way patungong San Francisco, enjoy sila sa pagsi-shopping sa Livemore outlet at sa ganda ng Santa Barbara.

ADVERTISING

Last week, nanood si Vice ng concert ni Justin Bieber, kung saan ang mga showbiz friends niyang sina Karylle at Iza Calzado na nasa San Francisco din at nagbabakasyon ay nakasama niya. “May usapan na sila na sama-samang manonood ng concert ni Justin dito pa lang sa Manila,” pagbabalita ni Jan sa amin.

Sa San Francisco, nag-rent sila ng isang bahay, kung saan sama-sama silang (more than 10 sila na kasama ni Vice) nagbabahay-bahayan.

Yesterday, si Vice, naghanda ng roast chicken at salad para sa mga kasama niya, tsika ni Jan sa amin sa FB Messenger.

Sa ngayon, wala pang plano ang Team Vice kung ano ang magiging kaganapan sa darating na kaarawan ng komedyante sa Thursday, March 31, kung may party ang komedyante para sa mga kaibigan niya or magba-bar hopping na lang sila to celebrate his birthday.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING