Vice Ganda, maraming pasabog sa 2016

Vice Ganda, maraming pasabog sa 2016

Vice-Ganda1Bumalik na si Vice Ganda galing sa kanyang short Christmas vacation sa Dubai noong January 1 mismo. Short vacay lang ang ginawa ng Unkabogable Star dahil kailangan din niyang bumalik agad para ipagpatuloy ang promo ng pelikula nila ni Coco Martin na “Beauty And The Bestie” na tuluy-tuloy ang paghakot ng pera sa box-office.

Happy si Vice sa magandang resulta ng pelikula nila, lalo pa’t kahit hindi nila ibalandra at ipagmayabang, ang publiko mismo ang makapagsasabi kung alin ang pelikulang tinatangkilik at siyang nangunguna sa box-office.

Sabi ko nga kay Vice Ganda nang maka-tsika ko siya last Saturday night sa birthday bash ng kaibigang Ogie Diaz, isa ako sa mga taong mahirap patawanin. Hindi ko alam kung sadyang ang sense of humor ko ay hindi pang-masa or pang locally-produced comedy film, pero there are times na laugh trip ako.

Sa pelikula nila ni Coco, aaminin ko, super laugh trip ako. Bawat eksena yata, kung hindi ako napatatawa ay napahahagikhik ako at napangingiti. No words can describe sa pelikulang napanood ko. Basta, it’s worth kung gusto mong maging masaya paglabas ng sinehan.

Sa Dubai trip, nag-night out sila ng mga anak-anakan namin na sina Arjo at Ria Atayde na nandun din para sa bakasyon nilang mag-pamilya (with Sylvia Sanchez and Papa Art with Gela and Xavi).

‘Yong mataas na building pala noong New Year’s eve na nasunog  na The Address Downtown Hotel ay katabi lang ng hotel na tinutuluyan nila.

“Mabuti na lang, na-control nila ang sunog at hindi nadamay pati hotel namin,” kuwento niya.

Sa 2016, maraming pasabog si Vice, ayon sa kanya. Isa na rin ay ang pagiging juror niya sa Pilipinas Got Talent. Sa kasalukuyan, may dalawang regular shows si Vice, ang “It’s Showtime” at “Gandang Gabi Vice” na pumapalo pa rin nang husto sa rating.

Reyted K
By RK VillaCorta