Vice Ganda, ‘Maitim’ ang Karelasyon

ADVERTISING

Vice Ganda, ‘Maitim’ ang Karelasyon

Vice Ganda, ‘Maitim’ ang KarelasyonBEAUTIFUL GIRL is definitely one of the very popular songs of Jose Mari Chan.

Interestingly, the pretty girl he was referring to raw in the song is a flight attendant.

Ang babeng ito ay kilalang-kilala sa airline na kanyang pinagtrabahuhan dati bilang si Beautiful Girl na naging subject ng kanta ni Jose Mari.

Ang kuwento, nakilala raw ng isang businessman ang flight attendant when she was still working as a hotel front desk receptionist. Smitten daw ang businessman by her charms.

ADVERTISING

Then, biglang nawala ang girl and after a few years ay nagkita uli sila, this time ay iba na ang work nito. She was then working as a sales person sa isang car company at inalok niya ang businessman na bumili ng isang luxury car. Siyempre, to impress her ay bumili ang businessman.

 

TAGISAN NG acting ang bagong soap ng Dos, ang Ina, Kapatid, Anak.

Easily, lutang na lutang ang galing ni Cherry Pie Picache lalo na sa ilang eksena nila ni Ronaldo Valdez. Ang husay-husay talaga niya.

She also stood out in a scene with Janice de Belen and Ariel Rivera. Lalo na roon sa eksenang nagseselos si Janice sa kanya.

Half-sisters sina Janice at Cherry Pie. Hindi sila magkaanak ni Ariel kaya naman kinuha nilang surrogate mother si Cherry Pie.

Ina, Kapatid, Anak is ABS-CBN’s take on surrogate moms at talagang maraming matutuhan ang mga ina rito. What’s beautiful about it is that the story is realistic at ang gagaling ng mga artista.

Talbog na naman ang Siyete!

 

VICE GANDA subtly admitted that he’s in a relationship with a guy whom he described as ‘maitim’.

Wala raw siyang specific na nagugustuhan sa isang lalaki.

“Sobrang random, wala akong type in particular. Nanggaling ako sa mestiso pero ngayon maitim. Sobrang random talaga, dati mestiso ngayon maitim,” sabi niya.

Could he be referring to a basketball player na kalat na kalat na ngayon ang photo sa internet? Moreno ang guy at nakunan silang magkasama sa bahay nito sa isang probinsiya.

Sa showbiz, Vice gushes over the beauty of Dawn Zulueta.

“Siya lang talaga ‘yung nu’ng nakita ko, (sabi ko) nananalamin ba ako?’ Si Gretchen din ang ganda. Mas maganda siya in person. Kung maganda siya sa TV ay mas maganda siya in person.”

And when it comes to guys, “Si Piolo Pascual pa rin. Mukha lang talaga, kung pogi at pogi ang pag-uusapan si Piolo talaga.”

“Ang guwapo talaga ni Piolo, ang bango talaga niya. Siya ang taong ‘pag nakita mo, ang bango talaga. ‘Yun ang nakakaloka, hindi kami nagkakausap pero naamoy ko siya. Canine daw ako, kaba-yong canine,” sabi pa niya.

Like any other celebrity ay meron ding haters si Vice Ganda pero keber niya.

“Ang lucky ko, sobra. Me-ron akong haters pero hindi ganoon kadami katulad doon sa iba. At saka paulit-ulit lang din ang sinasabi nila na hindi na ako naaapektuhan. Actually, nami-miss ko na, eh. ‘Wala ba akong hate message ngayon?’”

“Okay na kami kasi kahit ‘yung mga haters ko they still follow me, they still watch my movies and my shows,” dagdag pa niya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING