Vice Ganda, mahigpit mag-judge sa “Pilipinas Got Talent”

Vice Ganda, mahigpit mag-judge sa “Pilipinas Got Talent”

Vice-Ganda

Anytime soon, aalis si Vice Ganda for Davao para ipagpatuloy ang Mindanao leg ng “Pilipinas Got Talent”.

Last week, tinapos nila ang Manila segment, kung saan sabi ng mga nakapanood sa taping, ang higpit daw na juror ni Vice Ganda sa mga performers.

Sa Davao, three days silang magte-taping, pero after ng taping ay hindi muna siya babalik ng Manila kundi tutuloy siya sa Zamboanga para sa opening ng isang mall kung saan imbitado siya.

Happy si Vice ngayong 2016 dahil maganda ang bungad sa kanya lalo pa’t P502 million na ang nahakot sa box-office (in gross sales within the Philippines pa lang as of Saturday January 16) ng MMFF 2015 entry nila ni Coco Martin na “Beauty And The Bestie”.

“Thankful ako dahil alam n’yo naman na noong 2015, ang daming mga dagok sa akin. Pero sa awa ng Diyos, nalampasan ko. Positive vibes lang para lahat tayo masaya,” sabi niya sa amin sa thanksgiving party niya sa ilang piling-piling mga press people na alam niyang tunay na sumusuporta sa kanya.

Sa 2016, dapat abangan ng publiko ang pagtatambal nila ni Daniel Padilla na kinumpirma naman ni Roxy Liquigan ng Star Cinema sa press na present at the event last Sunday evening.

“Basta huwag ka lang bibitaw sa Kanya (Diyos), alam kong hindi ka Niya pababayaan sa lahat ng pagsubok na dumarating sa ‘yo,” sabi niya.

Reyted K
By RK VillaCorta