Vice Ganda, inireklamo sa MTRCB ng lola ni Deniece Cornejo

ADVERTISING

Vice Ganda, inireklamo sa MTRCB ng lola ni Deniece Cornejo

Vice-GandaVice-GandaMERON PA pala kaming kuwento na hinanda sa Startalk na hindi na naipalabas nu’ng Linggo dahil punung-puno kami.

Meron pala kaming interview sa lola ni Deniece Cornejo na si Florencia Cornejo na nagpadala raw ng reklamo sa MTRCB dahil sa palaging pinaglalaruan daw ng mga host ang apo niyang si Deniece.

Ang sabi ng lola ng dalaga, sobrang apektado na raw sila sa ginagawa sa kanila ng taga-Showtime lalo na si Vice Ganda dahil sa lagi na lang daw ginagawang katatawanan ang apo niya.

‘Yung mga patawa raw ni Vice, obvious naman daw na ang apo niya ang pinatatamaan. Kaya sana raw may magawa ang MTRCB sa programang ito.

ADVERTISING

Nu’ng Linggo lang kasi ito nagsalita kaya sinubukan pa ring kontakin ang MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal.

Sabi naman ng MTRCB Chair, wala pa raw silang natatanggap na sulat o ano mang complain.

Kung meron man daw basehan ang reklamo ng kampo ni Deniece, pag-uusapan daw ‘yan ng board at pagdedesisyunan kung magkakaroon ng panel para imbestigahan ito.

Kaya lang, kuwento naman ng staff namin sa Startalk, nu’ng Lunes lang pala natanggap ng MTRCB ang naturang sulat at sa kanila pa nga raw hiningi ang contact number ng lola ni Deniece para ipatawag nila ito kung kinakailangan. Kaya lang lalong nagalit ang mga tao sa kanila, at pati ngayon ang lola ay inaalipusta na rin.

Kuwento nga sa akin ng staff namin, tuwing nagpu-post daw si Deniece sa Instagram account niya, dinadagsa agad ito ng mga panlalait. Ngayon pati ang lola niya nilalait na rin.

Hindi pa rin humuhupa ang galit ng mga tao, dahil ayaw talagang maniwala sa kanila. Kaya tingin ko, mas mabuting manahimik na lang talaga.

Sa Biyernes yata meron na namang hearing dahil meron pang ibang inakusahan na hindi pa rin dinadala du’n. Parang dini-delay yata, kaya paisa-isa lang talaga sumipot ang mga kinasuhan.

Si Vhong Navarro naman ay malamang na lalabas lang kung magsusumite na ito ng counter-affidavit niya sa kasong isinampa nu’ng Roxanne Cabanero at kung magsasampa na ito ng kasong Libel at Perjury laban kay Deniece at pati na rin kay Roxanne.

Matagal-tagal na ring hindi natin nakikita si Vhong, kaya sana magpakita na siya ngayong linggo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING