Vice Ganda, idinisplay sa Bora ang dyowang basketbolista

ADVERTISING

Vice Ganda, idinisplay sa Bora ang dyowang basketbolista

Vice-GandaAS USUAL, kapag Holy Week, sa bahay lang ako para mag-ayos ng mga gamit ko at maglinis.

Nakibalita na lang ako sa mga Startlak reporter kung sino at kung saan nagbakasyon ang mga artista natin.

Type yata ng mga celebrities ang Japan dahil madali na raw pumunta du’n.

Ang latest na humabol du’n nu’ng nakaraang Semana Santa ay ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Tuluy-tuloy ang bonding nilang dalawa at nakikita namang masaya silang dalawa.

ADVERTISING

Double date naman sa Myanmar sina Solenn Heussaff at Anne Curtis kasama ang kanilang boyfriend.

Lumabas pa nga raw sa social media ang pagkain ni Anne ng cricket na diring-diri ito nang pinilit siyang pakainin nina Solenn.

Mangilan-ngilan namang celebrities ang nagbakasyon sa Boracay na dating paboritong pasyalan ng mga artista.

At least tahimik ngayon sa Boracay dahil behave na ang mga bakasyunista roon.

Pagkatapos sa Holy Land, tumuloy roon sina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado kasama ang kanilang mga anak.

Doon din daw sa Boracay tumuloy ang mga EB Dabarkads na sina Allan K, Julia Clarete at Kempee de Leon pagkatapos ng successful show ng Eat Bulaga sa Canada.

Namataan din doon ng Startalk reporter namin si Vice Ganda na may kasama raw na baskebolista.

Pinag-uusapan daw doon na boyfriend niya ‘yung basketbolista na kasama niya.

May binanggit sila na name, pero hindi ko naman kilala ‘yun.

At least open na pala si Vice sa boyfriend niya.

Kararating lang nga nu’n galing Hong Kong kasama naman si Kris Aquino na kung saan nagkita pa sila ni Ricky Lo sa airport.

Bongga, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING