Vice Ganda, ibinuking ang pangingialam ni Kris Aquino sa shooting ng pelikula niya

Vice Ganda, ibinuking ang pangingialam ni Kris Aquino sa shooting ng pelikula niya

Vice-Ganda LAUGH KAMI nang laugh sa pambubuking ni Vice Ganda na nakialam si Kris Aquino during the shooting of The Amazing Praybeyt Benjamin.

“Kahapon nandodoon siya. Behave lang naman siya sa shooting pero noong una nangingialam talaga siya. Kasi mahirap ‘yung pinagawa kay Bimby, na kahit ako rin, naawa ako sa bagets. Kasi, pinag-Chinese siya. Lahat ng linya niya puro  Chinese. Eh, ‘yung bata, hindi rin handa. So, merong Chinese instructor na binibigay kay Bimby, ‘yung mga linya niya na Chinese. Tapos, si Kris ‘yung papalit siya nang papalit (ng dayalog). ‘Huwag ‘yan, ‘yung mas maiksi pa.’ Tapos babaguhin nu’ng instructor. ‘Hindi ‘yan, ‘yung mas simple pa’ kaya naloloka ‘yung Chinese instructor. ‘Pag hindi pa rin masabi ni Bimby, ‘Huwag ‘yan, Tagalog na lang.’ Ang ending, nag-Tagalog na lang si Bimby. At saka masaya ‘pag nandu’n si Kris kasi ang daming food. Tapos, mabilis kaming nagtatrabaho kasi ‘yung oras tingin siya nang tingin sa relo. Lagi siyang nagbabantay sa set pag wala siyang shooting,” kuwento ni Vice Ganda.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas