Vice Ganda, iba na naman ang trip sa mismong kaarawan

Vice Ganda, iba na naman ang trip sa mismong kaarawan

Vice Ganda and his team at the Alamo Square
Vice Ganda and his team at the Alamo Square

Sa mga fans ni Vice Ganda, today, March 31 sa Amerika, ay kaarawan ng “Unkabogable Box-Office Star”.

Last night, nag-treat ang komedyante ng kanyang birthday salubong dinner sa kanyang pamilya at friends sa isang restaurant sa Fisherman’s Wharf.

Ngayong araw na mismong kaarawan niya, iba naman ang trip ni Vice Ganda. Ang mag-outdoor picnic.

Sa IG posting na Jan Bariuad na isa sa mga member ng Team Vice at personal assistant ng komedyante, nag-prepare sila ng food para sa kanilang picnic sa isang open air park at may piktyur-pikturan pa sila sa harap ng Painted Ladies, isang sikat na tourist spot sa San Francisco ng mga old Victorian houses sa may Alamo Square.

Sa April 2 pa ang balik ni Vice sa Pilipinas.

Reyted K
By RK VillaCorta