Vice Ganda, humingi ng apology sa nabastos na composer

ADVERTISING

Vice Ganda, humingi ng apology sa nabastos na composer

Vice Ganda, humingi ng apology sa nabastos na composerOLA CHIKKA! Parang gusto kong itaas ang aking kilay ng 50th floor na wala nang doctor na p’wedeng magbaba sa inasal na namang kabastusan ni Vice Ganda. Nangyari ito nu’ng nakaraang Biyernes ng gabi sa selebrasyon ng Ala Eh Festival sa Tanauan, Batangas. Taon-taon ito ginaganap sa pamamahala ng batikang composer na si Vehnee Saturno, ang Voice, Song and Rhythms ng ating butihing Gov. Vilma Santos-Recto.
Maliban d’yan, si Vehnee ang chairman of the board of judges, si Vice Ganda naman ang isa sa mga host. At nang ipakilala na nito ang mga hurado, ginawa nitong parang comedy bar kung saan siya na-discover. Ito ang naging tanong niya kay Vehnee, kung anong piyesa ang pinakamatimbang sa kanya at bakit? Sinagot siya ni Vehnee na ang Be My Lady, at ‘yun ang nagpatanyag sa kanyang pangalan nu’ng kantahin ito ni Martin Nievera.

Parang naging Showtime ito at hiningian ng sampol. Pinaunlakan naman siya ni Vehnee at kinanta ang chorus. ‘Eto na ang nakakalokang eksena, pagkatapos ng kanta, nagulantang si Vehnee sa kahihiyan sa publiko sa komento ni Vice Ganda: “Naku eh, hindi naman pala maganda ang boses mo, kaya ibinigay mo na ang kanta mo sa iba.”
Pakiramdam ni Vehnee nu’ng gabing ‘yun ay wala siyang ulo na iharap sa tao. Nanginig ang buo niyang katawan, dahil sa pakiramdam niyang sobrang nabastos siya at napahiya sa sinabi ng baklang si Vice Ganda. Pero pinairal pa rin niya ang respeto at pagiging edukado.

Ang nakakaloka kasi, sabi ni Vehnee hindi naman sila magkaibigan ni Vice Ganda. Kilala niya si Vice Ganda, pero wala siyang karapatang magbiro sa taong hindi naman niya kabiruan at hindi sa lahat ng lugar ay ginagawa niyang gay bar na talagang bastusan.

Sa itinagal niya sa industry, napakarami na niyang singer na nakasama pero ang respeto sa kanya ay walang gumawa ng kabastusan na tulad ng ginawa sa kanya ni Vice Ganda. Hirit pa ni Vehnee, hindi naman talaga sila magkaibigan ni Vice Ganda, at lalong hindi oras ‘yun ng biruan at bastusan. Pero ginawa siyang katawa-tawa na kung tutuusin, napakalaki na ng naiambag ni Vehnee sa music industry.
Nabalitaan ko na kumonsulta na si Vehnee sa kanyang abogado para idulog ang problemang ito. At nakarating yata kay Vice Ganda, kaya ang ginawa ng baklang bastos ay nagpadala ng letter of apology, flower at fruits. Kahanga-hanga talaga itong si Vehnee dahil tinanggap niya ang paghingi ng sorry ni Vice Ganda, sa ginawa ni Vice Ganda sa mga pangyayaring ito. Marami ang galit na galit sa kanya at hindi na raw nila tatangkilikin ang ano mang project nito. Feeling kasi, siya na ang baklang pinakamagaling na komedyante, samantalang hindi naman ito nakaaaliw kundi nakaoinis pa nga.

ADVERTISING

Naku ang Sisterakas, pa’no pa magta-topgross ‘yan kung ganyan ang asal ng baklang ito. Ang unggoy kasi, bihisan mo man ng ginto, unggoy pa rin. Ang bastos, maging popular ka man, bastos pa rin. Kaya sabi nga ni FPJ, dapat nang kalusin ang kawalanghiyaan ng baklang ‘yan! Babu!

 

TEKA AT isang walang katapusang teka! Marian Rivera, wala nang ningning ang career pagpasok ng 2013? Kasi dapat daw ang bagong title nito ay hindi na primetime queen kung hindi fallenstar.

Kasi nga naman, halos mahigit sa kalahati ng mga movie press ay sumama ang loob sa ginawa ng kanyang manager na hindi ko kilala sa lahat ng manager ng mga artista at wala akong balak kilalanin dahil parehas lang sila ni marian na may attitude problem.

Hindi ko kasi makalimutan ang ginawa nilang X-Mas Party sa mga movie press na piling-pili lang ang inimbitahan na hindi ko makuha ang logic kung ano ang ibig nila sabihin ng X-Mas. Kasi ayon sa kanila, ang dapat lang nilang imbitahan ay ‘yung mga pumupuri lang kay Marian at nagsusulat ng positive.

Kaloka, ‘di ba? Kasi ang Pasko, tatagalugin ko na para maintindihan ni Marian at ng kanyang manager, ay para sa lahat, pag-uunawaan, pagmamahalan at pagbibigayan. Nasaan na ang essense ng Pasko sa kanila? At may peace offering pa silang nalalaman sa isang hindi naman pinagkakatiwalaan ngayon sa industry, dahil kahit ang kanilang showbiz talk show ay hindi malaman kung saang oras ilalagay at walang advertisement na pumapasok na ibig sabihin, wala nang tiwala ang mga advertiser sa kanya. Pero tanging siya lang ang may peace offering mula kay Marian at sa kanyang manager na hindi nila alam na lihim silang pinagtatawanan ng kanyang binigyan ng peace offering. Kaloka ka Marian!

Isa lang ang masasabi ko sa kanya wala pa siyang napapatunayan, kaya tumigil siya. ‘Yun lang!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

 

ADVERTISING