Vice Ganda, gustong gamitin ang P1.3-M na kabaong ni Direk Wenn Deramas

ADVERTISING

Vice Ganda, gustong gamitin ang P1.3-M na kabaong ni Direk Wenn Deramas

Vice Ganda, gustong gamitin ang P1.3-M na kabaong ni Direk Wenn DeramasKahit sa pagpili ng kabaong na paghihimlayan ni Direk Wenn Deramas, may komedya pa rin na punchline ang kaibigan niyang si Vice Ganda.

Kasama kasi si Vice Ganda sa pagpili ng himlayan ni Direk Wenn Deramas, kasama ang manager ng direktor na si June Rufino.

Sa lugar kung saan naka-display ang maraming coffins na puwedeng pagpilian, inisa-isa ng komedyante ang coffin na bagay sa kanyang “bestie”.

Ayon sa kuwento ni Vice, “Namimili ako ng kabaong… Ang daming kabaong, tulala ako. Sabi ni Tita June, ito ‘yong gusto niya. Kasi simple lang, may mga simple lang, pero masyado namang may engrave-engrave.

ADVERTISING

“Sabi ko dun sa taga-Arlington, ‘Magkano po ito? P1.3 Million.”

Humirit ulit si Vice, “’Tita June, parang mas magandang magpa-cremate. P1.3M? E, bonus ‘yun sa blockbuster film,” punchline ng komedyante sa manager ni Direk Wenn.

Patuloy na kuwento ng komedyante, “Sabi ni Tita June, ‘Ay, hindi siya puwedeng tipirin. Ayaw niya. Gusto niya, star siya. Gusto niya, magarbo siya. Gusto niya, bongga siya. Kung ‘yan ang gusto mo, ‘yan ang ibibigay natin.’

“Okay, ‘yan na po, P1.3M,” sabi ni Vice sa taga-punenarya na nag-aasikaso sa pagpili nila.

“Sabi ko kay Tita June, ‘Pagkatapos ba niya, puwede ko bang gamitin?’” nagtawanan ang mga tao na nasa burol.

Pero para sa komedyante, deserve ni Direk ang coffin na ‘yun. “Pero deserve niya ‘yan. Ang worth niya ay hindi isang milyon, hindi isang bilyon,” pahayag ni Vice.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING