Vice Ganda, guest si PNoy sa New Year episode ng GGV

Vice Ganda, guest si PNoy sa New Year episode ng GGV

Vice-Ganda-PNoy AYAW TALAGANG pakabog ni Vice Ganda. Guest lang naman niya si president Noynoy Aquino for his “Gandang Gabi Vice” show.
Excited na ipinost ng bida ng The Amazing Praybeyt Benjamin sa Twitter account niya ang tungkol sa kanyang dream interview.
“This is it! Finally i get the chance to interview President Noynoy Aquino today for our GGV New Year episode. Dream come true,” he said.
Nag-post pa siya ng kuha nila ni PNoy sa kanyang Instagram account. Mapapanood ang interview ni Vice kay PNoy sa January 4.
Earlier, nag-guest si Vice sa Aquino & Abunda Tonight at sinabing naka-schedule siyang mag-interview kay PNoy. Sinabihan siya ni Kris Aquino na ‘wag magpaseksi dahil nagbiro ang hitad na shorts shorts and a pair of boots lang ang kanyang susuotin during the interview. Of course, the star of The Amazing Praybeyt Benjamin heeded Kris’s advice and came up wearing a white tank top and black pants at flat shoes.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas