Vice Ganda, ginawang ‘patay-gutom’ ang mga nag-rally sa SONA

ADVERTISING

Vice Ganda, ginawang ‘patay-gutom’ ang mga nag-rally sa SONA

Vice-GandaHABANG PINAGTATAWANAN ang mala-Shrek na gown ni Sen. Nancy Binay na dinisenyo ni Randy Ortiz sa kanya, ng mga netizen ng social media, may eksena na naman si Vice na hindi ko nagustuhan personally na inilagay niya sa kanyang Instagram account.

ADVERTISING

Hindi kami natuwa sa posting ni Vice Ganda tungkol sa mga tao na naki-rally sa may Commonwealth Ave. last Monday habang si PNoy ay iniisa-isa ang kanyang mga “ginawa at gagawin” sa moro-morong SONA.

Post ni Vice: Hindi lahat ng nagpo-protesta totoong nag-aaklas. ‘Yung iba riyan, nabayaran at sinuhulan ng pambili ng bigas,” sinulat niya.

How insensitive itong si Vice. Sa panahon na marami pa rin ang nagugutom. Sinupalpal naman siya ni Teddy Casiño ng Bayan Muna: “@vicegandako yung umattend sa loob ng congress sinuhulan ng bilyon bilyon sa DAP.”

ADVERTISING

Sa ganang akin, parang insulto naman sa mga taong naniniwala at lumalaban na magpasa-hanggang ngayon, gutom at walang hanapbuhay pa rin ang nararanasan ng majority ng Pilipino. Granting na sinusuhulan sila ng pambili ng bigas, masisisi mo ba sila gayong taggutom at taghirap ang buhay nila?

Masisisi mo ba sila kung sakaling kapalit na mapukpok, mabato at maipit during the clash sa dalawang prinsipyo na nagtutunggalian para lang makabili ng bigas para mapakain sa kanilang mga nagugutom na anak?

Mapalad ka Vice. Mariwasa ang buhay mo. Hindi ka biktima ng bulok na sistema.

Kung minsan naaaliw ako sa ‘yo. Pampalipas-gutom ka sa tanghali ng walang makain. Pero dahil insensitibo ka sa kahirapan ng marami, ginagamit mo na lang na katatawanan ang sitwasyon ng naghihikahos na mga Pilipino.

Kung minsan, mas gusustuhin ko na lang si Willie Revillame (kahit barumbado at bastos kung minsan) na namamahagi ng kanyang yaman sa mga pumipila sa kanyang pantanghaling show noon kaysa sa ‘yo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING