Vice Ganda, ginantihan si Arnold Clavio

ADVERTISING

Vice Ganda, ginantihan si Arnold Clavio

Vice-Ganda-Arnold-ClavioMUKHANG NAKAGANTI na si Vice Ganda kay Arnold Clavio.

Pinaglaruan kasi niya ang isyung kinasangkutan ng GMA news anchor by making a spoof of Arnold’s interview with the lawyer of Janet Napoles.

Napanood namin ang video ni Vice sa isang segment sa It’s Showtime kung saan meron siyang kunwaring kausap na attorney. Grabe ang ginawa ni Vice, talagang nagbitaw siya ng dayalog na katulad na katulad ng kay Arnold.

Does it mean na hindi pa rin nakakalimutan ni Vice Ganda ang ginawang pambabatikos sa kanya ni Anrold noong kasagsagan ng rape joke ng stand-up comedian kung saan nasangkot si Jessica Soho?

ADVERTISING

Talagang inupakan ni Arnold sa komento si Vice Ganda dahil sa tasteless joke nito kay Jessica noon.

Now, it seem nakakuha ng pagkakataon si Vice Ganda na makaganti kay Arnold.

Actually, hindi lang ‘yon ang ginawa ni Vice Ganda kay Arnold. Some people in social media felt that he also took a subtle swipe at the GMA news anchor when he wore a shirt bearing this message: “DEAR KARMA: I HAVE A LIST OF PEOPLE YOU MISSED.”

Ang paniwala ng marami ay patama ito kay Arnold.

Actually, maging kami ay nabastusan sa inasal ni Arnold during his interview sa lawyer ni Janet Napoles. It’s so unbecoming of him to act like that and display his ARROGANCE in great abundance.

Vice-GandaAt ano naman kaya ang ginawang aksyon ng GMA kay Arnold?

Ang latest development ay nakialam na ang MTRCB sa issue at meron yata silang ipinadalang letter addressed to GMA executives. Let’s just see kung anong damage control ang gagawin ng Siyete sa kanilang magaling na news anchor.

With what Vice Ganda did to Arnold ay nakaganti na siya sa pang-ookray sa kanya ng GMA news anchor.

Kaya lang, ‘yung ginawa ni Vice Ganda leaves a bad taste in the mouth dahil he’s working sa karibal na istasyon ni Arnold. Parang may malisya ang parody niya kay Arnold since una na siyang binatikos ng news anchor noon.

Kung naging bastos si Vice Ganda sa kanyang rape joke ay bastos din ang naging dating ni Arnold sa kanyang interview sa lawyer ni Janet Napoles.

 

BINASTOS SI Sarah Geronimo ng isang walang magawang nilalang nang makita namin ang kumalat na photo scandal kuno ng singer.

Nakita namin ang isang photo na halatang photoshop naman. Merong isang young girl na nakapatong sa isang hubad na lalaki at mukha ni Sarah ang inilagay.

It was obvious na hindi naman si Sarah ‘yon because we all know that she’s not capable of doing it.

Ang intensiyon siguro ng nagpakalat ng nasabing photo ay ipahiya ang Popstar pero sorry na lang dahil walang naniniwala sa kanya.

The guy who posted the photo is nothing but an IDIOT! Nagpapansin lang siya pero sadly, wala siyang kredibilidad, ‘no!

 

UBOD PALA ng PANGIT ang soap nina Gerald Anderson, Cristine Reyes at Rayver Cruz.

No wonder, ito pala ang may pinakamababang rating na nakukuha sa lahat ng soap yata ng ABS-CBN.

Napanood namin ang tarayan nina Dina Bonnevie at Dawn Zulueta at hindi natural ang mga dayalog, huh!

Actually, walang kadating-dating ang soap na ito at parang puro kasamaan ang ipinapakita.

Marami ang nag-iisip tuloy na since TATAK na ng ABS-CBN soap na merong patayan at kidnapan sa ending ay baka ito raw ang maging katapusan ng soap nina Gerald, Rayver at Cristine.

Naikumpara sila tuloy sa My Husband’s Lover na walang violence ang ending.

Oo nga. Bakit sa ABS-CBN soap ay palaging may patayan at kidnapan sa bandang huli kaya very predictable na ang mga eksena?

Well, nasa writers ‘yan. That means hindi na sila nag-iisip at nagmamadali na lang silang tapusin ang kanilang trabaho.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING