Vice Ganda, ginagawang babae ni Robin Padilla

ADVERTISING

Vice Ganda, ginagawang babae ni Robin Padilla

Vice Ganda, ginagawang babae ni Robin PadillaMukhang nanahimik at kalmado na ngayon ang mga bashers ni Vice Ganda dahil puro papuri na ang natatangap ngayon ng Box-Office Star.

“Sobrang nanahimik silang lahat. Ang sarap-sarap magbasa ng mga comment ngayon sa mga ABS-CBN pages, sa fan page ko… dati kasi kahit walang kinalaman sa akin o sa ‘It’s Showtime, makikita mo talaga ‘yung mga talak, mga mura, mga kung anu-ano.

“Ngayon ang sarap magbasa. Bumalik na. Na-normalize na ulit ang social media, wala nang mga nagbabakulaw. Kaya sabi ko, hindi mo dapat paniwalaan ‘yang mga bashers na ‘yan. Hindi totoong marami sila. Nagdadami-damihan lang sila at wala talaga silang kapangyarihan.

“Dahil ang bashers, walang kakayahang bumili ng ticket. Ang may kakayahang bumili ng ticket, supporters. Supporters ang bibili, ang bashers hindi bibili. Kaya roon tayo sa supporters mag-concentrate, hindi sa bashers,” pahayag ni Vice Ganda.

ADVERTISING

Sa pagpasok ng 2016 ay super busy na si Vice Ganda dahil isa siya sa magiging hurado sa bagong season ng “Pilipinas Got Talent”.

Natatawa nga si Vice dahil sa “It’s Showtime” ay kasama niya si Mariel Rodriguez at sa “PGT” naman, kasama niya ang husband ni Mariel na si Robin Padilla.

“Sabi ko nga kay Mariel, “Nang bumalik ba kayo sa ABS-CBN, ipinalagay ninyo sa kontrata n’yo na kailangan ako ang katrabaho ninyong mag-asawa?

“Kung hindi kita kasama, kasama ko si Robin. Kapag kasama ko si Mariel, topic namin si Robin. Kapag kasama ko Robin, topic namin si Mariel. Sabi ko, ‘nauuta na ako sa inyong dalawa’,” say pa ni Vice.

Sobra nga raw napaka-gentleman ni Robin. Kung tratuhin nga raw siya ng sikat na action star ay isang tunay na babae.

Feeling daw tuloy ni Vice ay sobrang haba ng kanyang hair dahil sa ginagawa siyang babae talaga ng mister ni Mariel.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING