Vice Ganda, ‘di tulad ng ibang gay comedians na paulit-ulit ang gimik sa audience

ADVERTISING

Vice Ganda, ‘di tulad ng ibang gay comedians na paulit-ulit ang gimik sa audience

Vice-GandaVERY, VERY successful ang ginawang animversary ng It’s Showtime last saturday sa Smart Araneta. Yes, punung-puno at talaga namang nasiyahan ang mga nakapanood nito, dahil nga all-star cast nga ang said show. Halos lahat ng mga big stars ng Kapamilya ay nandoroon.

ADVERTISING

Buwis buhay nga ang ipinakitang production number ni Vice Ganda at ibang kasamang main host. Ibang klase talaga basta Vice Ganda.

Hindi katulad ng ibang gay comedians na paulit-ulit ang mga ipinakikita sa audience. Para siyang Mercury Drugs na palaging may bago.

Sa special day ng It’s Showtime, dumating ang apat na pinakasikat na love teams – KatNiel, JaDine, LizQuen at KimXi. Ikaw na, ‘di ba?

ADVERTISING

Speaking of Vice, tuloy ang filmfest entry niya sa December, kasama si Coco Marti at ang JaDine love team.

At masaya siya dahil nga good vibes si Coco na matagal na nga niyang kaibigan. Hindi pa sila artista at mayaman.

Pero sigurado si Vice na mas mayaman sa kanya si Coco. ‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING