Vice Ganda, ‘di pa humuhupa ang tampo sa KathNiel fans

Vice Ganda, ‘di pa humuhupa ang tampo sa KathNiel fans

Vice-GandaMARAMI ANG lumalakad kay Vice Ganda para tuluyan nang ‘wag magtampo ang lola nyo sa naging attitude ng ilang Kathniel fans na nagagalit sa kanya dahil bakit daw maikli lang ang naging guesting ng kanilang idols sa Gandang Gabi, Vice eh, nagpo-promote pa naman ang mga ito ng Crazy Beautiful You.

‘Yung iba kung mag-tweet daw kay Vice ay parang obligasyon ni Vice pa na habaan ang exposure ng KathNiel.

Nauna nang himingi ng paumanhin si Mommy Ming Bernardo in behalf of ilang fans na nagagalit.

Kaya naman sumagot si Vice ng imbes na ma-appreciate ang tulong niya kahit maikli ay nagalit pa ang mga fans.

Meron pang nagparating sa amin na, “Matatagalan pa bago mawala ang tampo ni Vice. Kilala mo naman ang lola mo sa ganyang sitwasyon, ‘di ba?

“Kahit okay naman na sila nina Daniel at Kathryn eh, hindi pa rin niya maimadyin na me fans na nagalit sa kanya samantalang hindi naman niya kasalanan.”

Anyway, darating din naman ang time na parang wala na ‘yan ke Vice at back to normal na ang lahat. Hintayin na lang ‘yon ng mga fans. Nagpapahinga lang ang lola n’yo at aariba na naman ‘yan.

Oh My G!
by Ogie Diaz