Vice Ganda, ‘di natinag ng mga kanegahan ang succesful concert sa Cebu

ADVERTISING

Vice Ganda, ‘di natinag ng mga kanegahan ang succesful concert sa Cebu

Vice-GandaKAGABI NGA naganap ang sucessful concert ni Vice Ganda sa Cebu City. At tulad ng inaasahan, sold-out ang tickets nitong Vice Gandang-Ganda sa Sarili sa Cebu.

ADVERTISING

Hindi naging hadlang ang isyung pagpapatanggal ng kanyang billboard kamakailan lang. Mas lalo ngang naging maingay ito at lalong naging mabili ang tickets.

Kaya naman mas lalong ginanahan ang Phenomenal Star na si Vice na mag-perform. Kaya naman mahal na mahal siya ng mga taga-Cebu.

Hindi malayong umikot nga sa lahat ng key cities ang said concert. Kami mismo ay may nakausap nang gustong iprodyus si Vice ng concert sa aming bayan sa Nueva Ecija. Sana ay maiayos ito.

ADVERTISING

Sa ngayon ay very busy si Vice na matapos ang kanyang pelikula na Beauty and The Bestie na pang-Metro Manila Film Festival sa December.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING