Vice Ganda, ‘di natatameme sa gulpe de gulat

ADVERTISING

Vice Ganda, ‘di natatameme sa gulpe de gulat

Vice-GandaTAGA-BULACAN PALA ang designer ng magandang damit na suot ni Vice Ganda sa cover ng Mega Magazine sa September issue ng pamosong fashion and lifestyle na babasahin.

ADVERTISING

Nang makausap namin ang TV host-comedian, sabi ko, gustung-gusto ko ang cover ng Mega na maging siya, nagandahan sa ginawang pictorial niya sa Japan noong nagbakasyon siya kamakailan.

Nakatutuwa kasi si Vice, basta alam niya na makatutulong siya, siya mismo ay nag-e-effort in his own little way na makatulong sa mga kafatid na beki. Kung ang iba ay masyadong mapili sa mga isinusuot nila na ang gusto ay branded at may pangalan ang designer, si Vice, mapagbigay na gusto niya makatulong sa mga beki. ‘Yan kasi ang advocacy niya. Basta para sa LGBT ay okey sa kanya.

Maging ang kaibigan niya na stand-up comedian na si Chokoleit na minsang nalihis ang landas dahil sa ipinagbabawal na gamot, masaya si Vice dahil nakatulong siya na maituwid ang kaibigan.

ADVERTISING

Kaya nga sa kabila ng mga banat sa kanya ng kaliwa’t kanang mga isyu ng mga bashers sa social media na sinasabing napag-iwanan na siya at naungusan na, pero para sa akin ay “flash in the pan” na karakter sa telebisyon; napangingiti na lang ako; dahil kilo-kilong bigas pa ang kakainin ng sinasabing nagpataob sa komedyante, dahil they have not proven something except for millions of “tweets” na hindi naman convertible sa cash, ‘ika nga.

Pero knowing Vice na hindi nadadala sa gulpe de gulat at basta-basta na lang natatameme (na karakter niya na personally ay gusto ko), deadma ang kafatid as long as he knows kung ano at kung saan siya nakatuntong.

Sa katunayan, sa 6th anniversary show ng It’s Showtime bukas sa Araneta Coliseum, pinaghahandaan ng “Bekilou ng Bayan” ang kanyang magiging pasabog na gagawin sa show na susuportahan naman ng mga sikat na love teams ng Kapamilya Network tulad ng KathNiel, KimXi, JaDine, at LizQuen, and a lot more.

Unang salvo lang ang pasiklab ng It’s Showtime sa Araneta bukas, dahi may mga big shows sila na gagawin sa Davao at Cebu as part of their anniversary series of shows.

Update on Vice na sa kabila ng kabisihan niya sa pagre-rehearse para sa gagawin niya bukas sa anibersaryo ng show nila ay tuloy na tuloy ang pelikula nila ni Coco Martin na pang-MMFF 2015, kung saan nakapag-two shooting days na sila.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING