Vice Ganda, ‘di naniniwala sa “ghost month”

ADVERTISING

Vice Ganda, ‘di naniniwala sa “ghost month”

Vice Ganda
Vice Ganda

Akala ko nga ay naniniwala si Vice Ganda na ang buwan ng August na para sa Chinese ay Ghost Month ay buwan ng malas.

Sa mga Chinese, ayaw nilang mag-open o magsimula ng negosyo sa buwan ng Agosto. Walang project na nagsisimula sa buwan na ito dahil kadalasan ay nagkakaroon ng malaking problema kapag nagsisimula ang shooting sa buwan ng August.

Pero para sa komedyante, walang “ghost month” para sa kanya. Hindi naniniwala si Vice sa mga pamahiin na tulad nito,

Yes, nagsimula na nga ng shooting si Vice para sa kanyang MMFF 2016 entry na muli nilang pagsasamahan ni Coco Martin.

ADVERTISING

Kung inaakala ng iba na waley na si Vice nang mamatay ang kaibigang director na si Wenn Deramas na siyang ka-buddy-buddy niya at kabagang, iniisip ng detractors ng “unkabogable” box-office comedian ay waley na ito pagdating sa pelikula.

Pero with Direk Bb. Joyce Bernal’s magic, I’m sure walang sablay ang bagong project nina Vice at Coco, kung saan makasasama ng dalawa ang mga “love” ni Coco sa “Ang Probinsiyano” na sina Onyok at Awra.

As of this writing, wala pa kaming idea kung ano ang magiging istorya ng pelikula nina Vice at Coco.

Gayun pa man, good luck sa shooting para matapos at makahabol na sa deadline at mapili as an official entry for the Metro Manila Film Festival 2016.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING