Vice Ganda, ‘di nakapag-show sa thanksgiving party ni Duterte

ADVERTISING
Vice Ganda In Davao - courtsey of Twitter - @vicegandako
Vice Ganda In Davao – courtsey of Twitter – @vicegandako

Hindi na nagawang makapg-perform ni Vice Ganda sa “DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party” na ginanap sa Crocodile Park Concert Grounds at dinaluhan ng tinatayang 500,000 katao kahapon, Sabado, June 4.

Dahil sa lakas ng ulan, nagkaroon ng power outage at natigil ang kasiyahan na dapat sana’y hanggang ala-1:00 ng madaling-araw kinabukasan, Linggo, June 5.

Gayunman, sumampa pa rin si Vice Ganda sa stage para bumati sa mga nagpunta sa nasabing event.

Sa tweet ni Vice Ganda, aniya, “Nakakiyak! Di man nakapagperform dhil sumabog ang kuryente ok lang. Sapat na saking nagkita kita tayo, nagkawayan at nagkamayan. U Davao!”

Kabilang sa nag-perform sa nasabing thankgiving party sina Sarah Lahbati, Arron Villafor, Anton Diva, Ivy Violan, Beverly Salviejo, Carlos Agassi, Jimmy Bondoc, Gladys Guevarra, Paolo Santos, at Andrew E.

ADVERTISING

Nagsagawa rin pagtatanghal ang iba’t ibang grupo mula sa Visayas at Mindanao kabilang na ang sa Davao.

Hosts naman ang mga kilalang supporter ni President-elect Digong Duterte na sina Kat de Castro, Bayani Agbayani, at Arnell Ignacio.

Nagbigay naman ng kanyang speech si Duterte tungkol sa kanyang plano kapag opisyal na siyang naka-puwesto sa Malacañang.

By Parazzi Boy

ADVERTISING