Vice Ganda, ‘di na-achieve ang pagnanasa kay Coco Martin

ADVERTISING

Vice Ganda, ‘di na-achieve ang pagnanasa kay Coco Martin

Vice-Ganda-Coco-MartinMay hawig sa totoong buhay ang istorya nina Vice Ganda at Coco Martin sa pelikulang “Beauty And The Bestie” ni Direk Wenn V. Deramas ng Star Cinema at Viva Films. Say nga ni Vice, “Sa dami ng pinagdaanan namin ni Coco, kahit hindi sadyain idikit sa buhay namin, makare-relate at makare-relate kami ni Coco sa kung anumang eksena dahil ang dami-dami naming pinagdaanan.”

Inamin ni Vice Ganda na pinagnasahan niya si Coco Martin noong bago pa lang silang magkakilala. Waiter noon ang binata sa Max’s at guest performer nila si Vice for the Christmas party. Hindi maganda ang kanilang first meeting, nagsuplado si Coco dahil ayaw nitong sumama kay Vice on stage. Nagkataon pareho sila ng circle of friends kaya nagkaayos ang dalawa at naging the best of friends na sila ever. “Alam kong hindi pwede, ayaw ng mga pinsan niya. Marami akong nakilala bukod kay Coco type ko ito, tapos nu’ng naging barkada na kayo nawala. Kahit ‘yung ibang barkada kong artista, labas-labas tayo gimik-gimik and then eventually, hindi na. Kapag type ko talaga achieve-in ko. At saka, hindi magpapa-achieve ‘yan, mapapahiya lang ako sa sarili ko… babatukan lang niya ako,” kuwento ng comedian.

Nang mga sandaling ‘yun, nagbalik sa alaala ni Coco ang ibinigay na pasalubong sa kanya ni Vice. “Binigyan niya ako ng sprite na nakatago pa hanggang ngayon. Sabi ko nga, hindi ko binibigyan ng malisya ‘yung mga ganu’ng bagay. Friendship talaga ang nangibabaw…” sundot na sabi ni Coco.

Hindi pala pinangarap ni Coco na maging artista. First priority niya ay makapag-abroad at natupad naman ito. Bilib nga si Vice sa kanya dahil tinuloy pa rin nito magtrabaho sa ibang bansa kahit artista na siya sa mga indie films. “Ang gusto ko lang magkaroon ng trabaho kahit anong trabaho basta regular. Nagkaroon ako ng pagkakataon makapagtrabaho sa Canada bilang janitor, tinupad ko ‘yun bukod sa pag-aartista,” aniya.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING