Vice Ganda, ‘di itinago ang pagnanasa kay Tom Rodriguez

Vice Ganda, ‘di itinago ang pagnanasa kay Tom Rodriguez

Vice-Ganda-Tom-RodriguezISA SA mga artistang gusto ko dahil vocal siya ay itong si Vice Ganda. In short, kung ano ang nasa sa isip niya sinasabi niya na kung minsan, dahil sa pagiging prangka niya, nao-offend ang iba.

Siguro, may kanya-kanyang istilo ang tao kung papaano nila itatawid ang gusto nilang sabihin. Kaya nga hindi ako magtataka kung ang isa sa mga kasama niya sa MMFF 2014 entry na The Amazing Praybeyt Benjamin na si Tom Rodriguez ay hayagan niyang sinabi na may pisikal siyang pagnanasa.

Guwapo naman kasi si Tom na pantasya ng karamihan. Mula sa liga ng mga kababaihan, mas malakas ang hatak ng binata sa mga kabaklaan.

Kaya nga nang sabihin ng komedyante na may pagnanasa siya kay Tom, namula ang binata. Ngumiti lang. Kung mapipikon ka kay Vice, sigurado ikaw ang talo.

Si Vice din ang nagbuking kay Richard Yap (aka Sir Chief)                na sa itsurang ‘yun ng TV sensation na pa-goodboy ang peg ay may pagkabastos din pala ito pagdating sa biruan.

“Normal siyang tao (Richard). Tatahi-tahimik lang ‘yan pero mas sutil. Pikon-talo kaya ‘pag asaran na at kaberdehan na ang usapan, sasabayan ka niya,” kuwento ni Vice tungkol sa TV sensation.

Reyted K
By RK VillaCorta