Vice Ganda, ‘di hahayaang masira ang friendship nila ni Ai-Ai delas Alas

Vice Ganda, 'di hahayaang masira ang friendship nila ni Ai-Ai delas Alas

Vice-GandaWhen asked kung may message siya kay Ai-Ai Something, nag-beg off ang stand-up comedian na si Vice Ganda.

“Ay, ‘wag na lang. Kasi baka mabigyan na naman ng ibang kulay. Kasi kahit na anong sabihin mo ngayon… nakakatakot na. Kung meron man, ako na lang magte-text sa kanya,” say niya sa thanksgiving party na ibinigay niya sa entertainment press.

Maapektuhan ba ang friendship nila?

“I will not allow. Mas maganda ‘yung walang kaaway kasi kahit ano’ng gawin mo ay makakasalubong at makakasalubong mo ‘yang mga ‘yan. Kaysa naman mangawit ka ng kayuyuko ay mas maganda na ‘yung diretso lang ang lakad mo at alam mong wala kayong atraso sa isa’t isa.”

Aminado  si Vice Ganda na 2015 was a year where he went through many things in his career.

“Ang dami kong dagok nung 2015, pero ang daming blessings din. Ang daming blessings, pero ang dami ring mapait. Pero ‘yung mga mapait na ‘yon… hindi nga ako nawalan ng pag-asa kasi alam ko na pinapatikim lang ako ni Lord ng mapait ngayon para mas ma-appreciate ko ‘yung tamis pagpasok ng Bagong Taon na totoo namang nangyari,” say ni Vice sa thanksgiving party na ibinigay niya sa entertainment media.

May natutunan si Vice sa mga pinagdaanan niya and that is “nalaman ko kung sino ‘yung mga kaibigan ko talagang maaasahan mo, kung sino ‘yung mga kaibigan mong magtatanggol sa ‘yo sa mga pagkakataong hindi ka nagsasalita, kung sino ‘yung magpupunas ng pawis mo ‘pag lapot na lapot ka na sa laban mo.”

“God is so great. Sobrang mysterious ng mga eksena Niya, ng mga plano Niya. You just have to learn to trust Him.

“Lahat ng nangyayaring ito ay may dahilan. ‘Pag napitik ka may dahilan. ‘Pag binigyan ka ng panibago na namang biyaya ay may dahilan lahat. Kailangan lang talagang pag-aralan mo, ano ba ‘yung sinasabi sa akin.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas