Vice Ganda desires Piolo Pascual

ADVERTISING

 

 Vice Ganda desires Piolo Pascual

ADVERTISING

 

 Vice Ganda desires Piolo Pascual  ISA SA MGA itinanong ko kay Vice Ganda sa press con para sa kanyang 2nd major solo concert sa Araneta on July 1, 2011, ang “Todo Sample sa Araneta”, ay kung bakit sa dinami-rami ng mga sing-along masters na nagtangkang marating ang kinalalagyan niya ngayon, wala sa kanila ang makapantay sa kanya.

Marami roon ang isinalang sa telebisyon-waley. Marami rin doon ang binigyan ng pagkaka-taon na umarte sa big screen-lalong waley! Pero si Vice – TV, pelikula, endorsements, pati recording ngayon, galugad na galugad. Hindi paminsan-minsan, ha? Maya’t maya at kaliwa’t kanan pa at ang iba nga raw eh, natatanggihan pa niya.

ADVERTISING

“Siguro, tita Pilar, nakita mo naman nu’ng magsimula ako. Never akong nag-give up. Sige lang ako nang sige. Hanggang at the same time, mas lalo ko lang palang nai-enhance kung ano na ‘yung meron sa akin. Nu’ng time na ‘yun, oo walang papansin. Kasi, sa rami nga namin. Pero s’yempre, you will make a way para maiba ka pa rin sa iba.”

Tuwang-tuwa nga ang press sa no-holds barred tsikahan with Vice sa Alex III. Nai-share nga niya na marami siyang kinakikiligang actor in showbiz at isa na rito si Piolo Pascual. Para raw kasing hindi ito tao kapag nakikita niya. At natutunaw daw siya kapag nakikita ito. At gusto niya raw itong makatalik!

Pero siyempre, ang isa sa magiging special guest niya sa concert na si Xian Lim ang kumbaga eh, talagang type ni Vice Ganda, kahanay si Jon Avila.

Malalaman naman ang sagot kung

bakit si Vice Ganda ngayon kumbaga ang ‘man-of-the-hour’. Kasi, ‘yung pagkatotoo niya sa simula, hindi napalitan ng kasikatan niya. Kung ano siya noon, gano’n pa rin ngayon.

“Normal na tao rin ako. Napapagod. Napi-pressure. Nagagalit, nag-iinit ang ulo. Pero ‘pag nasa trabaho ko na ako, ang intensyon ko eh, ang mapasaya ang mga tao. Kaya, dito sa 2nd concert, hindi ako nerbiyos na gaya nu’ng una na first time nga, pressure sa akin ngayon kung mapapantayan ko o mahihigitan ‘yung nauna.”

Si Vice Ganda eh, wala raw planong magpa-retoke ng kahit na anong parte ng katawan niya. Hindi rin niya naiisip na masalang sa same sex marriage. Although wala siyang planong mag-asawa ng babae. Oo, may boyfriend siya, two years na sila, pero hindi raw sila nagli-live-in.

 

AS OF PRESS time, hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag si Jennylyn Mercado hinggil sa isa na namang isyung lumabas na involved ang kanyang biological mother na nagngangalang Jinkee, na sa Dubai na naninirahan at nagtatrabaho.

Na-interview si Jinkee ng isang TFC correspondent (Rachel Shalinel) for The Buzz sa nasabing bansa, at marami itong sinabi tungkol sa kanyang anak na si Jen, with matching papers pa o ebidensiya tungkol sa kanilang patuloy na communications sa pamamagitan diumano ng pagpapadala niya ng pera sa aktres para suportahan pa rin ito.

May mga pag-amin at mayroon ding mga denials ito sa mga naging pahayag ni Jen sa YES! Magazine sa kanyang mga inilahad na istorya.

According to Jen’s manager na si Tita Becky Aguila, magsasalita si Jen blow-by-blow sa Showbiz Central on Sunday. At dito sasaguting lahat ni Jen ang mga ibinahagi ng kanyang biological mother sa istorya ng buhay nila.

Isa ang gustong sabihin ng sinasabing ina ni Jennylyn sa aktres, na pawang mga kasinungalingan daw ang mga inilahad nito sa nasabing magazine.

Abangan ang pag-resbak ng

aktres!

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING