Vice Ganda, dedma sa mga patutsada ni Joey de Leon

ADVERTISING

Vice Ganda, dedma sa mga patutsada ni Joey de Leon

Vice-Ganda-Joey-de-LeonNR (NO reaction) si Vice Ganda sa mga patutsadang tweets ni Joey de Leon sa It’s Showtime. Nagsimula ang pasaring ni Joey sa show ni Vice at mga kasama nang magkaroon sila ng Pastillas Girl na pantapat sa AlDub ng Eat… Bulaga!.

ADVERTISING

Pero dedma si Vice sa mga pasaring. Unang-una raw, hindi niya pina-follow sa Twitter ang sikat na veteran TV host/comedian at wala raw siyang sinasagot na kahit anong tweets nito. Ayaw raw niyang mag-invite ng negativity.

“Saka, mamaya mapahiya pa ako at sabihing, “Sino nagsabi sa ‘yo na ikaw ang pinariringgan ko? May nilagay ba akong pangalan?” It’s not safe to assume,” say ni Vice.

Samantalang nagsimula nang mag-shooting si Vice para sa entry movie nila ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival na Beauty and The Bestie. Kasama rin nila sa movie ang JaDine loveteam. Lalabas na kapatid ni Coco si James Reid at si Nadine Lustre naman ay pamangkin ni Vice sa movie.

ADVERTISING

Natawa raw si Vice kay Coco dahil sinabihan daw siya ng huli na magpalit na lang daw sila.

“Sabi niya, ‘pamangkin mo na lang si James, tapos kapatid ko si Nadine.’” Sabi ko, ‘bakit?’” Sabi niya, ‘paano kami mag-eeksena ni James, eh pa-Ingles-Ingles ‘yun!’” Tawa ako nang tawa,” tsika ni Vice.

Pero hindi pumayag si Vice na magpalit sila ni Coco. Mas maganda raw ‘yung natural ang magiging arte nila kapag sa harap ng camera. Nagsalita naman ng pabiro si Coco na kapag kinausap raw siya ng Ingles ni James ay hindi raw niya ito sasagutin.

Sa tanong kung bakit nila isinama sa kuwento ng Beauty and the Beastie ang JaDine loveteam, ayon kay Vice, dati na raw nasa plano nila ‘yun. Hindi lang daw nila maibato dahil ‘di pa raw kumpirmado ang schedule.

So, hindi totoo na kaya inilagay ang JaDine para ipantapat sa AlDub na kasama naman sa MMFF movie nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas? Pagdidiin ni Vice, parang sila raw ang naunang nag-announce na may JaDine sila sa movie.

Sabi pa ng sikat na comedian/ TV host, hindi naman daw ito ang first time nagtapat sila ni Bossing Vic sa festival.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING