Vice Ganda, ‘Concert Quing’ ang bagong titulo

Vice Ganda, ‘Concert Quing’ ang bagong titulo

1 Vice-GandaMAS LALONG yamaman na naman ang Phenomenal Star na si Vice Ganda dahil nga sobrang umapaw na naman ang tao sa Smart Araneta last Friday. Kung hindi kami nakakamali ng dinig, sabi ni Vice ay 18,000 ang nanood ng kanyang concert na “Vice Gandang Ganda sa Sarili Sa Araneta, E Di Wow!”. Siya na yata ang may hawak sa pagiging Concert Quing, hahahaha!

Super bongga ang bawat production number, kaya naman wala na yatang kakabog pa sa outfit at mga aksesoryang suot niya nu’ng gabi ‘yon. Unkabogable nga siyang talaga.

Maraming tao na malalapit kay Vice at nandoon nu’ng gabing ‘yun – It’s Showtime family, GGV family, at ang Dreamscape family. Pero may hinahanap pa rin ang mga nanood. Sino ba ang dyowa niya na nandoon? Biro mo, bonggang career, may bonggang lovelife?

Hindi naman si Arwin Santos ng PBA San Miguel, dahil siya na mismo ang nagasabing kumpare niya ito dahil inaanak niya ang anak nito.

Sa show na rin ‘yun nakumpirma na single ang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith, dahil nga pinangalandakan ni Anne sa public na walang dyowa ang kapatid.

Wala na akong masabi kundi, congrats! Job well done!

 

HINDI NA tuloy sa May 27 ang B Naked, The Elite Model Search. Pero sa June 20 na ito magaganap.

Kaabang-abang ang pageant na ito, dahil ito na nga yata ang boldest na mapanonood. Kaya naman, ‘wag na ‘wag n’yong kaliligtaan. Sabi nga, mami-miss n’yo ang half of your life. Hehehe…

Sina Carlos Agassi at Ali Forbes ang magiging host, guests naman sina Michael Pangilinan Boobsie Wonderland.

Yes, sa Music Museum pa rin. Take note, June 20, Saturday.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!