Vice Ganda, California magse-celebrate ng birthday

Vice Ganda, California magse-celebrate ng birthdayNasa Los Angeles, California ngayon si Vice Ganda, kung saan sa San Francisco siya magse-celebrate ng kanyang ika-nth birthday. Dumating siya sa US Saturday evening.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang trabaho rito sa Pilipinas, nang magkaroon ng chance from his hectic schedules, nagbakasyon muna ang unkabogable star, at isa na nga rito na una nilang pinasyalan ay ang Hollywood Walk of Fame, kung saan kasama ng komedyante ang kaibigang si Paul Cabral at Jan Bariuad (his personal assistant).

Sa pagpunta ni Vice Ganda sa LA, may plano na siya na sorpresahin ang ina na si Mommy Rose na naka-base sa San Francisco.

Ang siste, kunwari kailangan ni Mommy Rose mag-fly-in from San Francisco to Los Angeles para ma-interview siya ng Rated K para sa surprise greetings niya para sa anak na si Vice.

‘Yun pala, si Mommy Rose ang nasorpresa na nang dumating sa interview venue, bumulaga sa kanya ang anak, kaya mangiyak-ngiyak ang ina sa sorpesang ginawa ni Vice.

Kasama ni Vice sa Holy Week vacation ang dalawang pamangkin na nabigyan ng US Visa sa biyahe niyang ito at bukas ay naka-schedule silang magliwaliw sa Rodeo Drive at sa Disneyland, kung saan nabigyan ng VIP Pass ang komedyante na not all celebrities ay nabibigyan ng ganitong pass sa naturang theme park. Isa sa Lea Salonga sa mga Pinoy celebrity na nabigyan ng VIP Pass ng Disneyland.

From L.A. ay maglo-long drive ang grupo ni Vice on March 25 (Biyernes Santo) papuntang San Francisco, kung saan along the way ay magsa-sightseeing sila.

Sa March 31 ang birthday ni Vice at sa April 4 ang balik ng komedyante ng Manila after his almost two weeks vacay.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleManny Pacquiao, lalong kinuyog sa kanyang patutsada sa bashers
Next articleStaff ng “Eat Bulaga” binasag ang trip ng AlDub fans

No posts to display