Vice Ganda, bukas sa bagong relasyon

ADVERTISING

Vice Ganda, bukas sa bagong relasyon

1 Vice-GandaSINGLE MAN at nauwi sa break-up ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na isang basketbolista, patuloy pa rin naman na humahataw sa kanyang career si Vice Ganda. Sa pangatlong pagkakataon nga ay tinanggap ng komedyante ang pinakamataas na parangal sa nakaraang 45th Guillermo Mendoza Memorial Box Office Entertainment Awards, ang Phenomenal Box Office Star para sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy, kung saan inalay pa nga ni Vice ang tinamong karangalan sa mga tulad niyang kabilang sa third sex. Kumpirmado na rin na gagawin ang Praybeyt Benjamin Part 2, kung saan makakasama niya sila Bimby at Richard Yap at magiging isa sa entry ng Star Cinema para sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Siniguro naman sa amin ni Vice sa isang interview namin sa kanya na hindi siya broken-hearted kahit single na siya ngayon at nauwi sa hiwalayan ang ilang taon din nilang relasyon ng basektbolistang boyfriend. Ayon nga kay Vice, mutual decision ang nangyaring break-up, walang third party involved at magkaibigan pa rin sila ng ex. Bilang patunay ay magkaibigan pa rin sila nito, bukas ang komunikasyon nila at sinasabihan pa nga niya ito na mag-girlfriend na.

Bukas naman sa panibagong pakikipagrelasyon, para kay Vice habang may hininga tayo dapat ine-enjoy natin ang buhay at ‘di ka nabubuhay sa lungkot.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING
ADVERTISING