Vice Ganda, brutal talaga ang pagka-prangka

ADVERTISING

Vice Ganda, brutal talaga ang pagka-prangka

Vice-GandaWE’D RATHER go the opposite way.

ADVERTISING

Kamakailan, the brutally frank Vice Ganda incurred public outrage—lalung-lalo na sa social media—after lashing at the anti-SONA rallyists. Ilan o karamihan lang daw sa mga ito ay mga bayarang nakilahok sa naturang kilos protesta para may pambili ng bigas.

Now, we found a perfect time para ipagtanggol si Vice Ganda amidst all the brickbats thrown his way.

Dahil sa kanyang post, even his critics went as far as pamemersonal, tracing his roots to comedy bars na kanyang pinagtrabahuhan bilang stand-up comedian, short of being pictured as a customer’s tip-hungry entertainer.

ADVERTISING

Personally, we have nothing against VG. Pero hindi rin namin siya gusto dahil sa kanyang maangas na behaviour as a result of his fame and fortune, na hanggang kailan nga lang ba niya mae-enjoy? Until he breathes his last?

But we like VG’s candor na sa totoo lang naman ay sumasalamin sa katotohanan.

Ilan lang ba talaga kasi ang nagbubuwis ng buhay para sa prinsipyong kanilang ipinaglalaban? Too many. At saludo kami sa kanila.

Pero anumang human assembly ay nahahaluan din ng mga kaluluwang ligaw, lost in the political wilderness whose guiding principle—lalo na sa panahon ngayon—is dictated by economics.

Demonstrador din kami, saksi kami sa maraming taon sa tinatawag na “hakot system” kung saan ang mga bayarang rallyista are given the royal treatment kapalit ng kanilang partisipasyon sa ngalan ng mga pigura o numero to create an illusion of massive support.

These are the innocent, if not gullible, people na join lang nang join without bothering to ask kung ano ang kanilang silbi, kundi magkano.

VG is just being realistic. At magpakatotoo rin sana tayo.

Sa paulit-ulit na lang na sistema sa gobyerno—that does not address the problem tungkol sa lumalalang kahirapan ng maraming Pinoy as opposed to the oligarchs and the bureaucratic thieves who live lavish lives at the expense of the poor—bawat butil ng bigas—NFA man o commercial rice—ay puwede tayong magpatayan.

Vice Ganda may not be the voice of reason na kailangan nating pakinggan, but his “bigas editorial” does make socio-political sense.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING