Vice Ganda, binuweltahan ng bashers sa pagtira kay Manny Pacquiao

ADVERTISING

Vice Ganda, binuweltahan ng bashers sa pagtira kay Manny Pacquiao

Vice Ganda, binuweltahan ng bashers sa pagtira kay Manny PacquiaoNakakaloka talaga ang mga pangyayari. Kahit si Vice Ganda na nagbigay lang ng opinyon niya sa ginawang pagkukumpara ni Manny Pacquiao at pagsasabing mas masahol pa sa hayop ang mga taong nagpapakasal sa kapwa nila lalaki at babae ay pinag-iinitan din.

Halatang walang alam ang mga nagbibigay ng kanilang harsh comments kay Vice Ganda. ‘Yung tipong gusto lang talagang makisawsaw kaya lahat na lang ng pangit kay Vice ay hinahalukay nila.

Sabi nga ni Vice, hindi siya ang isyu kundi si Manny Pacquiao kaya nagtataka siya kung bakit pati siya ay pinag-iinitan din at pati paraan ng pagpapatawa niya ay inaatake rin. Susme, kabaliw talaga ang mga utaw, huh!

Sabi nga ni Vice, “A joke of a comedian is different from a statement of a “politician”. So why take a joke seriously and take a serious statement as a joke?”

ADVERTISING

Malinaw naman, ‘di ba? Pero sa ibang mga bobito at bobita, hindi nila ‘yon maiintindihan.

Well, hindi lang naman si Vice ang pinag-iinitan ng mga “banal” at “malilinis” na bashers. Sa ilang posts na nabasa namin sa social media, may mga aroganteng reaksyon din kay Kuya Boy Abunda dahil sa mga ipinahayag niya sa Tonight With Boy Abunda na pabor sa LGBT at against kay Pacman.

Mandamay ba talaga tayo, mga ipokritong mamamayan ng Pilipinas? Nakakaloka kayo. Kayo ang totoong mga walang respeto sa kapwa n’yo na kagaya ni Manny. Haysss!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING