Vice Ganda, binabatikos ng ilang moralista

ADVERTISING

Vice Ganda, binabatikos ng ilang moralista

Vice Ganda
Vice Ganda

Nakatatawa ang batikos ng ilang moralista kay Vice Ganda.

Bash ang inabot ni Vice Ganda dahil kinukunsinti raw nito ang kabaklaan ni McNeal Briguela, more popularly known as Makmak sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Una siyang nakilala bilang si Awra dahil sa kanyang YouTube videos where he is seen na rampa nang rampa.

Napanood namin ang video ng segment nina Awra at Vice Ganda sa katatapos na anniversary thanksgiving concert ng “FPJ’s Ang Probinsiyano”. Ang galing ng kanilang batuhan ng jokes. Hindi nagpakabog si Awra at nakasabay siya sa mga binitawang jokes ni Vice Ganda.

Bago pa man makilala si Awra ay bading na siya. Sa mga interviews niya, aminado siyang beki siya, so ano ‘yung kagaguhan na ito ng mga moralista?

ADVERTISING

Bago n’yo batikusin si Vice Ganda, bigyan ninyo ng pansin ang mga babaeng naghuhubad para kumita ng pera. Tingnan n’yo rin ang mga babaeng nagiging kabit ng amoy-lupang pulitiko para lang makatikim ng luho ng katawan nila. Pansinin n’yo rin ang mga babaeng nagbibilad ng katawan sa mga men’s magazine hoping na mapapansin sila ng mayayamang lalaki.

Itong mga moralista kuno na ito of VOLUPTUOS proportion ang katangahan!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING