Vice Ganda, balik-normal na ngayong 2016

Vice Ganda, balik-normal na ngayong 2016

Vice Ganda, balik-normal na ngayong 2016“I am happy because I’m surrounded by people who matter.” Ito ang mala-Evita Peron of Argentina na parting shots ni Vice Ganda as he thanked the entertainment press for its unfailing support—hindi lang dahil malaki rin ang naging kontribusyon nito for making his last year’s MMFF entry “Beauty And The Bestie” the biggest blockbuster in the entire festival history—kundi ang ‘di pagbitaw sa kanya ng maraming reporters during his most trying times noong isang taon.

Aminado si Vice Ganda that he went through the worst bashing on social media anyone could imagine, “Pero sa pagpasok ng 2016, balik-normal na. Wala na ‘yung mga namba-bash, kasi naman, the real supporters are not the bashers,” patotoo ng Unkabogabble Star as his way of thanking all those na hanggang ngayon ay tumatangkilik pa rin ng pelikula nila ni Coco Martin.

Ang conservative estimate nga ay aabot ng more than P600 million ang gross receipts nito, a feat that Vice Ganda has to break himself in his MMFF entry this year (planado na ang kanyang teamup with Daniel Padilla).

Ever wonder why all these ACES up his sleeve—hindi lang ng nakaraang festival—kundi sa iba pang aspeto sa buhay ni VG? The answer is simple: POSITIVITY!

Ay, ay… kabog!

 

Love and respect for family. Ito ang core value ng Sunday sitcom ng GMA, ang Ismol Family, kaya man ito sa mga manonood.

Napagsasama kasi ng palabras na ito ang mga ages-old family values in a comic manner. May mga domestic issues, pero nareresolba ang mga ito without compromising the strength of the basic unit of society.

Ang pagkakaroon ng mga salungat na katangian ng mag-asawang Jingo (Ryan Agoncillo) at Majay (Carla Abellana) in running the affairs of their household, ang panghihimasok ng biyenan ni Majay na si Mama,  A (Carmi Martin), ang teen romance nina Yumi (Bianca Umali) at Ethan (Miguel Tanfelix) at ang mga karakter ng iba pang mga tauhan make for a relaxing Sunday primetime show na hindi dapat palampasin.

Ngayong Linggo, expect another riot- yet fun-filled episode only in Ismol Family.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III