Vice Ganda, ayaw sisihin si Coco Martin sa tsismis sa bagong dyowa

ADVERTISING

Vice Ganda, ayaw sisihin si Coco Martin sa tsismis sa bagong dyowa

Vice-GandaVICE GANDA clarified the issues involving his rumored romance with newcomer Kurt Ong and animosity with Kris Aquino. Hindi niya sinisi si Coco Martin about Kurt dahil “unang-una wala naman siyang sinabing pangalan.”

ADVERTISING

“Hindi ko puwedeng isisi kay Coco ang ginawa ng ibang tao kasi hindi naman si Coco ang nag-conclude, eh, ‘yung mga tao, ‘di ba? Hindi kami nakakapag-usap pa,” say niya sa intimate presscon para sa forthcoming concert niya sa Araneta Coliseum, ang “Vice Gandang Ganda Sa Sarili sa Araneta, Eh di Wow”, May 22.

Hindi niya sinita si Coco dahil ang katwiran niya “Naku, kahit naman hindi ko kuwentuhan ‘yon ay malalaman niya ‘yon. Alam niya kasi na lumalabas kami nina Kurt. Sinabi ko sa kanya mga barkada ko ‘yon, baliw. ‘Bat mo naging barkada ‘yan?’”

As to his rift with Kris na nag-ugat sa website at statement T-shirt business na gusto niyang itayo, Vice Ganda said, “Gusto kong malaman kung kanino nanggaling kasi sa source pa lang malalaman natin kung totoo ‘yan o hindi. Kasi unang-una bago ako umalis ay si Kris ang kasama ko. Pagdating ko sa Pilipinas ay si Kris ang dapat sana ay sasalubong sa akin. May tumawag sa akin at tinanong kung ano ang issue ninyo. “Ano’ng issue sa amin ni Kris?’ ‘tungkol doon sa T-shirt.’ Wala nga kaming pinag-usapan about that. Wala kaming dapat klaruhin as in wala. Never kaming nag-away, never kaming nagsitahan. Ano ba, ang daming nagpapalabas ng T-shirt at saka ng website. Ang dami-daming artistang may website. Kung meron mang naglabas ng isyung ‘yan ay nadamay lang ako.”

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING