Vice Ganda, ayaw na sa basketball player; Brazilian model ang bagong dyowa?

ADVERTISING

Vice Ganda, ayaw na sa basketball player; Brazilian model ang bagong dyowa?

Vice Ganda, ayaw na sa basketball player; Brazilian model ang bagong dyowa?Natatawa ako sa kantiywan ng mga co-host ng noontime show na “It’s Showtime”.

ADVERTISING

Halos lahat sila, may kanya-kanyang kapareha on Valentine’s Day.

Si Anne Curtis, in love sila sa isa’t isa ni Erwan Heussaff. Si Karylle naman happly married and for sure nag-date sila ng mister na si Yael Yuson. Si Vhong Navarro, happy sa dyowa, at maging si Billy Crawford secured at in love sa girlfriend na si Coleen Garcia.

Pero ang tila kawawa sa mga bida ng Kapamilya noontime show ay itong si Vice Ganda na noon pa man ay very vocal sa kanyang love life.

ADVERTISING

Pero latey, for the past week, tila ang dating matamis na leche flan ay napalitan ng gisadong ampalaya na hindi piniga sa asin para solid 100% mapait.

Biro sa kanya ng mga kasamahan ay loveless ang “unkabogable” star dahil last week halos deadma si Vice Ganda sa Araw ng mga Puso.

Nag-e-emote ang Beki ng Bayan na wala raw siya ngayong lovelife. Biro nga na ayaw na niya ng mga basketbolista, kung saan sa sunud-sunod na pagkakataong pakikipagsapalaran niya, puro mga baskebolista ang kanyang nagugustuhan at napupusuan tulad ng sa kanila noon ng kontrobersiyal na FEU Tamaraw star player at hardcourt cutie na ngayon ay kabilang na sa isa sa promising PBA player.

Pero Saturday night, out of the blue, si Vice feeling ang ganda talaga ay all smile na nag-post sa kanyang Instagram account  about a new guy in his life.

Walang masyadong detalye tungkol sa Brazilian model who have worked in Thailand, Kuala Lumpur, China, at iba’t ibang bahagi ng Asia.

Sa kanyang caption sa picture nilang dalawa na #MayValentine na ibig tukuyin ng Beki ng Bayan na totoong may araw ng mga puso. May ka-Valentino siya.

The models’ name Iago Faria (Santiago kaya?) na sa isang print ad ng isang sikat na local clothing brand ay siya ang modelo together with one of our local female celebrity.

Kahapon, Valentine’s Day, may charity show si Vice sa Bago City (Negros Occidental). I just don’t know kung kasama niya si Iago na nagtungo sa Bago City kahapon.

Balik-Maynila rin si Vice Ganda sa araw na ito para sa kanyang noontime show.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING