Vice Ganda, ayaw na may batang nanonood sa kanyang concert

Vice Ganda, ayaw na may batang nanonood sa kanyang concert

Vice-GandaAYAW NI Vice Ganda na may batang manonood ng concert niyang Vice Gandang-Ganda sa Sarili Sa Araneta… E ‘Di Wow sa Araneta Coliseum on May 22.  R 13 o 13 years old pataas lang daw ang puwede.

“Kasi kapag may nakikita akong bata, nadi-distract ako,” katwiran niya. ‘Yong flow of thoughts ko napuputol. Naku-concious ako. Kasi iku-consider ko… may bata. Kasi kahit sa comedy bar, inaaway ko ang may-ari kapag may nakikita akong bata. Na… bakit kayo nagpapapasok ng bata e, ang mature ng pinag-uusapan natin?

“Kasi ‘yong concert ko na ito, very comedy bar nga. Na ang daming pinag-uusapan na hindi talaga puwede sa mga bata. May mga laswaan minsan, ‘di ba? ‘Yong lengguwahe na ginagamit at may mga nababanggit na… ‘di ba?”

Bukod kay James Reid, sino pa ang ibang kumpirmadonng magiging guest sa kanyang upcoming concert?

“Si Vhong (Navarro) at saka si Billy (Crawford). Kasi never pa kaming nag-perform together sa gano’ng event. ‘Yong Porkchop & Ketchup namin sa Showtime, never pa naming nailabas ‘yon. Buo na!” pagtukoy ni Vice sa mga production numbers at iba pang mga pasabog sa kanyang concert.

“This time, first time na mangyayari sa concert dito sa Pilipinas ng local artist na ‘yong stage nasa gitna ng Araneta. Na lahat ng areas bukas kaya lahat malapit. Lalo na ‘yong upper box na area, ang ganda ng area na ‘yon. Kasi makikita nila ‘yong effects no’ng… ‘yong floor kasi LED na mas maa-appreciate mo kapag nasa taas ka.

“Sobrang maraming eksena. Ay, malala! 90 percent comedy po ito. Konti lang ang kanta. Kasi hindi naman ‘yon ang ibinebenta ko talaga, e. ‘Yong kantahan, ibigay na natin sa mga mahuhusay talagang singers, ‘di ba? Na… nagku-concert. Pero ‘yong comedy, iyon talaga ang ilalaban ko. ‘Yong gagawin kong comedy rito, walang ibang makakagawa no’n, ako lang.”

Un-kabog-able talaga?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan