Vice Ganda at Karylle, may malalim na tampuhan

ADVERTISING

Vice Ganda at Karylle, may malalim na tampuhan

Vice-Ganda-KarylleKarylle-Vice-GandaNANONOOD KAMI ng It’s Showtime habang tina-type ito, at ramdam pa rin ang ‘di pagkikibuan nina Karylle at Vice Ganda. Ang nakarating sa amin ay nagtampo si Vice kay Karylle, dahil hindi ito nakarating sa victory party ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Sabi ko naman sa aking source, parang ang babaw naman kung ‘yon lang ang rason. Baka me mas malalim-lalim na rason at hindi na lang sinasabi pa.

Oh, well. Let’s all wish na lang na magkabati na ang dalawang ‘yan, dahil magkakapamilya pa naman sila.

Normal naman talaga sa isang pamilya ang nagkakaroon ng away o tampuhan, pero hindi normal na ipinapakita o ipinararamdam pa ito sa publiko. Paano mo naman sasabihing, “Isang buong pamilya po kami rito sa show” kung merong hindi nagkikibuan, ‘di ba?

ADVERTISING

Magbati na kayo. Malapit na ang Pasko.

Charot!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING